Istoker: Pangsampung Serye.
Ngunit isang kaawa-awang timang lang ang makikinig sa mga hulang ganito, dahil isang araw, nakita na lang kitang may kasamang iba. Isang lalaking hinahalikan mo. Napuno ako ng puot at pagmumunhi. Ang dating pagmamahal ay napalitan ng galit. Lumalakad habang lumuluha, tinititigan ang lupa, sinungaling ang barahang itinanong, hindi naman nagkatotoo ang kanilang mga hula. Nalunod ang lahat ng inaasam ko sa ilalim ng balon ng pagmumunhi. Hindi ko na kalian mang balak na sisirin muli ito. Naririnig ko ang puso kong umiiyak sa tindi ng sakit na nararamdaman nito. Walang anumang bagay sa mundo ang makakapagpasaya sa akin kahit kalian.
Ano nga ba ang mayroon siya na sa akin ay hindi mo nakita? Ano ba ang na sa kanya at siya’y minahal mo pero ako’y hindi? Bakit siya ang napansin mo? Bakit ako na laging nasa tabi mo ay hindi mo nakita? Ang daya mo. Narito lagi ang puso kong naghihintay lamang sayo ngunit hindi mo pa rin ito pinansin, hindi mo pa rin ako naramdaman. Siguro ito’y kung bakit sinasabi nilang masaya ang pag-ibig—dahil ang isa o pareho’y nasasaktan. Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi mo na kailangan pang humanap ng iba magpakailanman. Hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, gusto ko lang sabihin sayo ang pagkadismaya ko na nagkarelasyon ka sa isang hindi mo naman nakakasama kapag lumalabas ka.
P. S. Pangit talaga kapag kulang ka ng tulog dahil iisipin ng mga tao na mayabang ka...o nagdrodroga ka. Mukha ba akong adik?!? @#$%^&*!!! (Mga simbolo lang yan a...huwag niyo nanamang bigyang kahulugan.)
Kasalukuyang nararamdaman: Antok
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home