Istoker: Unang Serye.
Babala: Ito ay ang buong bersyon ng kwento.
Unang Yugto
Sa kaunaunahang pagkakataon, isusulat ko sa talaarawan ang nais kong sabihin sa babaeng minamahal ko. Isang babaeng hindi ko man lamang alam ang pangalan ngunit inaalala ko pa rin siya. Hindi ko siya masaydong kilala ngunit isang tingin lang sa kanyang mga mata ay parang matagal na kaming magkakilala. Nagiging baduy nanaman ako…pero ito lang ang paraang alam ko upang hindi ko mailahad ang totoong nararamdaman sa kanya. Sa akin na lamang ang sulat na ito:
Ako’y isang taong hindi mo masasabing romantiko. Buong buhay ko’y nakatuon lamang sa pag-aaral at pagbibigay parangal sa aking pamilya; konting kaibigan, walang barkada at walang pinupuntahang party. Siguro nga’y totoong ipinagkait ko ang aking sarili sa isang normal pamumuhay. Siguro nga’y talagang likas akong kakaiba o baka lubos kang naiiba sa lahat para makuha ang atensyon ko.
P. S. Hindi pa dito nagtatapos ang kwento. Tulad nga ng sabi ng titolo, unang serye pa lang ito. Panimula pa lamang ito. Antabayanan ang susunod na mga kabanata.
Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng ulo
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home