Istoker: Pangwalong Serye.
Madalas akong inalokan ng mga kaibigan ko na ipakilala sa iyo ngunit lagi ako ang tumatanggi. Hindi ko alam. Torpe lang siguro talaga ako. Kung ang pagtingin na nga lang sa iyo sa malayo ay sapat na upang mamula ako, papaano pa kaya kapag kaharap na kita? Baka maging kasing pula na ako ng kamatis niyan. Laging ipinapayo sa akin ng mga kaibigan kong babae na ligawan ka na; gayundin ang mga lalake. Pero hindi nila nakikita ang nakikita ko. Hindi nila nararamdaman ang nararamdaman ko. Bakit ba ang gulo ng buhay? Siguro kung maging tayo man, magiging tubig at langis tayo; hindi pupwedeng magsama dahil hindi nagbubukas ang isa.
P. S. Ngayon ay bumisita ako sa eskwelahan ng mga kaibigan ko, pero hindi ko sila nakita sa liit ng paaralang iyon. Sa tingin ko'y tinakasan nila ako noong pinasabi ko na nandoon ako.
Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng ulo.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home