Ikalawang Yugto
Nang una kitang makita, sa may vendo na bumibili ng Mr. Bean, wala akong naramdaman para sayo. Nang nagkabangga tayo sa daanan at nahulog ang iyong mga libro, wala parin akong nakitang espesyal sayo. Pero noong nagtatambay ako sa caf, habang nakikipaglaro ng Pusoy Dos sa aking mga kaibigan, bigla akong napatigil sa gitna ng pagbaba ng baraha nang narinig ko ang tawa mo—kahit na nasa kabilang sulok ka ng lugar na iyon, kahit na puno ng maiingay na tao, narinig ko pa rin ito. Hindi ko na maalala kung ano ang nangyari noon, kung nagulat man ang mga kasamahan ko o yinugyog man lang ako. Paglingon ko, ikaw ang una kong nakita, tumatawa habang binabatukan ang isang lalaking nasa harap mo. Naka-dilaw ka noon; parang seksing hinog na mangga. Nalaglag ang mga barahang hawak ko, kasama na rin ng aking puso. Hindi ko matukoy kung ang pagbabatok mo sa lalaking iyon ang nagustuhan ko o ang magandang halakhak mo o dahil puro dilaw ang suot mo (di naman ako mahilig sa dilaw). Siguro ang pagalawang kuro-kuro ang tamang dahilan, tutal, iyon naman ang tumawag ng pansin ko. Basta ang alam ko, hawak mo na ang puso ko. Sa sandaling iyon, tinamaan ni Kupido ang puso ko gamit ng kanyang mga pana. Sa sandaling iyon, ikaw lang ang nilalang sa mundo ko.
P. S. Ngayon ko lang napansin na labing-tatlong kabanata pala ang kwentong ito.
Maglalagay na lang ako ng patalastas kapag malapit na ang kasagsagan ng kwento (parang ABS-CBN). *TNM*Kasalukyang nararamdaman: Hindi tiyak
.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home