Istoker: Pangatlong Serye.
Tsaka ko lang napansin ang iyong mala-anghel na itsura. Ang mga mata mong tsinita na kahit na maliliit ay parang mga talang kumikislap sa kalawakan. Ang kutis mong parang porselana sa kinis at puti. Ang buhok mong umaagos ng parang tubig sa pagkapino. Ang mga mala-kandila mong mga daliri. Ang leeg mong kasing-hubog ng plurerang matagal nang ninanais ng inay ko para sa sala. Hindi ko matukoy kung isa kang diyosa, anghel o diwata. Hindi ako makapaniwalang kamakailan lang kitang napansin! Ang ganda mo’y parang isang uri ng salamankang na humihila sa puso ko papalapit sayo. Hindi nga ako sigurado kung kinulam mo ako kaya’t ako’y naakit mo ng ganito katindi.
Kasalukuyang nararamdaman: Pagtataka

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home