Istoker: Panglimang Serye.
Madalas akong nasa paligid mo, naghihintay na matapos ang klase mo upang makita kitang muli. Hindi mo lang siguro ako napapansin dahil lagi akong malayo sayo. Ayaw kong makita mo ako…
Maraming beses kitang gustong lapitan at tanongin, ngunit hindi ko kayang gawin. Hindi naman ako takot na hindi mo ako tatanggapin, takot lang akong masaktan ka. Takot ako na ako pa ang siyang magbibigay ng kirot sa puso mo. Mas gugustuhin ka pang sundan ka hanggang sa kamatayan ko kaysa magdulot ako ng kahit na isang tulo ng luha sa iyong mga mata. Makakayanan ko na hindi mo na lang ako makikilala kahit kalian kaysa ipagtaboy mo ako kapag ako’y nagkasala sayo o hindi mo nagustuhan. Kung darating man ang araw na iyon, siguro’y mamamatay ako sa pagkalumbay. Hindi ko kakayanin na makita kang umiiyak—lalo na kung ako ang dahilan. Hindi ako karapat-dapat para sa mga mahalaga mong mga luha. Kung ako ang magiging sanhi ng kalungkutan mo, wala nang saysay ang buhay na ito.
P. S. Bukas na ang pagsusulit para sa pagpapalit ng sinturon ko mula puti papuntang dilaw sa Taekwondo. Ang masaklap dito'y natapilok ako noong Lunes at ngayon ay lulumpu-lumpo ako kapag naglalakad. Sadyang napakabait ng Panginoon sa akin.
Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng paa at gutom
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home