Istoker: Pang-anim na Serye.
Alam kong wala ako sa posisyon upang magbigay ng kritisismo tungkol sa mga taong kinakasama mo, ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang inis ko. Sana’y hindi mo mamasamain kung sinabi kong ang ilan sa mga kasamahan mong lalake ay mga manyak. Naaalala ko tuloy noong may isa sa kanila na masyadong malikot ang kamay at unti-unti itong gumagapang sa baywang mo. Buti nalang at siniko mo siya sa mukha, kundi, ako ang gagawa
P. S. Ngayon ay may nangyaring kakaiba. Habang pauwi ako galing sa madugong pagsusulit ng Taekwondo, biglang may lumapit na lalake na hindi ko kilala sa akin at nag-alok siya na mag-audition ako para sa isang patalastas na may nangangailangan ng Taekwondo Girl (hindi ko kasi tinanggal ang aking Doboc). Nagbigay pa siya ng pamphlet ukol sa kumpanya nila na linagyan niya pa ng kanyang numero. Don Management daw...mayroon ba kahit isa man sa inyo na may kilala sa kumpanyang ito? Kung kilala niyo, pakisabi nalang sa akin kung mapagkakatiwalaan ito. Dahil ano ba namang kumpanya ang kukuha sa akin bilang modelo?! ![]()
Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home