Istoker: Pangsiyam na Serye.
Siguro’y hindi mo rin napapansin na sinusundan kitang pauwi sa dormitoryo mo. Kahit na mahaba-haba ang linalakad ko, payag pa rin ako dahil gusto kong makasiguro na ligtas ka sa lahat ng oras. Kapag hindi kita nakikita sa isang araw, hindi ako mapakali. Kulang pa ang simpleng pagtititig sa litrato mo. Kung pupwede lang ay magdadala pa ako ng video camera para lang mapanood ito ng paulit-ulit kapag hindi ko magawang makatabi sayo.
Siguro ngayo’y kinakaawaan mo na ako. Ngunit hindi pa dyaan nagtatapos ang mga kabaliwan ko. Alam mo bang pumunta pa ako sa manghuhula sa Quiapo para lang malaman kung ano ang posibleng hinaharap natin? Maganda ang mga lumabas sa baraha ng matanda: magiging masaya daw tayong dalawa sa piling ng isa’t isa.
P. S. *TNM* Wala lang. *TNM* Pinagalitan kasi ako ngayon dahil gabing-gabi na akong umuwi. Paano naman kasi, mayroong tsismis na kumakalat na may isang kolehiyalang nasa unang taon lamang na nagahasa ng isang tricycle driver. E papaano ba namang hindi siya pagsasamantalahan kung ang damit niya'y parang panyo na lang sa liit, hindi ba?
Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home