Istoker: Pang-apat na Serye.
Siguro napakabaduy ko na sayo ngayon. Malamang natatakot ka na rin sa lahat ng mga pinagsasabi ko, lalo na’t hindi ako nagpaparamdam sayo. Natural lang iyon. Mahiyain kasi akong tao. Pasensya na lang. Hindi ako sanay sa mga liham na naglalahad ng pag-ibig. Sana’y hindi ka magalit sa akin. Ipagpatawad mo
Sa loob ng aking kwarto, pati na rin sa banyo, kung alam mo lang ang dami ng litratong kinunan ko sa may kanto na ipinakwadro ko pa nang sa gayon ay lagi tayong magkasama. Araw man o gabi kahit man sandali sa hirap man o ginhawa. Ikaw at ako magpakailanman na para bang nasa sine, alam kong parang imposible, pero pwede ka bang maging kasintahan kahit sa panaginip man lamang?
P. S. Huwag kang papayag na kukulang pa sa tatlong oras ang tulog mo--lalo na kung may pagsusulit kinabukasan.
Kasalukuyang nararamdaman: Matinding pagka-antok, pagka-pagod at lubhang sakit sa buol

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home