PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Thursday, August 18, 2005

Istoker: Pangpitong Serye.

Ikapitong Yugto

Naaalala ko rin noong sinabi ng kaibigan mo sa iyo na maganda ka at tinanggi mo ito. Hindi mo ba alam na sadyang napaka ganda mo? Ikaw na ata ang pinaka marikit na nilalang na nakita ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung nagpapakumbaba ka lang o hindi mo talaga alam kung gaano ka kaganda. Sa tingin mo ba makukuha mo ang atensyon ko kapag mukhang mangkukulam ka? Kahit hindi mo makita ang kagandahan mo sa salamin, kahit sa aking mga mata mo na lang mahagilap ito.

Ngunit paano mo magagawa ito? Hindi ko naman ipinapakita ang sarili ko. Nahihiya nga ako sa ganda mo. Ano ba naman ako na isang hamak na lalake lamang? Isang taong walang kaibigan. Isang taong hindi marunong makipagkilala. Isang taong natatalo ng pagkamahiyain? Ganito lang ako; simpleng tao. Ang isang bagay na maipagmamayabang ko lamang sa iyo ay ang tunay na pag-ibig ko sa iyo na hindi magbabago. Ang pag-ibig na kahit man anong bagyo, hindi masisira. Magpakailanma’y hindi magbabago. Magpahanggang wakas, mananatili ka sa puso. Ikaw ang buhay ko at pangarap. Kahit kalian, hindi kita iiwan. Kahit kalian, hindi kita pababayaan.


P. S. Bakit ang daming may gustong magturo sa akin kung paano maglaro ng baraha? Hindi ko lubos maisip kung ano ang importansya nito sa kolehiyo...kultura ba ito?


Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng ulo .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home