PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, August 23, 2005

Istoker: Panglabing-isang Serye.

Ikalabing-isang Yugto

Sayang…bakit hindi kita niligawan? Ngayon ako’y nanghihinayang. Kasi naman, tatanga-tanga nalang ako lagi. Walang humpay na paghintay sa hindi dumarating na pagkakataon. Oo, tanga nga ako. Hinayaan kong maunahan pa ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Matindi ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko’y wala nang lunas para dito. Wala na akong pinanghahawakan na siyang magiging sanhi ng kasiyahan ko.

Hindi ko iisiping mayroong hanggan. Ang pag-ibig ko’y tanging ikaw lamang. Tanging ikaw pa rin ang siyang nanaisin. Kahit sa oras ng pagtulog ko, ikaw pa rin ang panaginip at kahit kalian pa ma’y ikaw pa rin. Ang buhay ko’y para sa iyo, tanging ikaw lamang ang iibigin.

Sana’y mapawi na ang pakiramdam na ito upang hindi na ako muling masaktan. Pero kung hindi ito titigil, handa ako sa pagdurusang ganito. Handa kong pagdaanan ang lahat, basta’t maging masaya ka lang.



P. S. Mayroon akong kaibigan na nagtanong kung bakit daw mayroon siyang kaibigan na may kapareho ko ng litrato sa Friendster. Aba aba...tinignan ko nga at natulala ako. Di hamak naman na mas may kulay ang aking larawan 'no! (Sana'y huwag mapikon ang may ari ng larawan sa linyang ito; hayaan mo...papalitan ko ang litrato ko kapag mayroon akong oras, huwag mag-alala.) At salamat naman at may sumagot sa tanong ko ukol doon sa kultura ng mga kolehiyo na paglalaro ng Pusoy Dos.



Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home