PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, August 24, 2005

Istoker: Panglabin-dalawang Serye.

Ikalabin-dalawang Yugto

Ilang linggong nakaraan matapos nang makita ko ang masakit na eksenang iyon, nakabalik muli ako sa normal na buhay ko. Kasama ko ang mga kaibigan ko na muling naglalaro ng Pusoy Dos sa caf, nang marinig kong muli ang tawang nagpalingon sa akin noon. Nag-atubili akong lumingon muli dahil baka lumalim pa ang sugat sa aking puso na nagpupumilit nang humilom. Ayaw kong muling masilayan kayong dalawa; magkahawak ng kamay at tumitingin sa mata ni isa’t isang puno ng pag-ibig. Ayaw kong sumabog muli ang puso ko sa tindi ng puot para sa lalaking iniibig mo. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano ba maipagkakait ng isang tao ang sarili niya sa gandang pagmamay-ari mo? Simpleng tao lang ako; may limitasyon, may kahinaan. Lumingon ako. Ngunit nasaan ka? Sinubukan kong hanapin ka sa lugar na iyon, pinipilit kong makinig para sa tawa mo. Hindi ako makapaniwalang ganoon ka kabilis makaalis sa eksena.



P. S. Hay salamat at malapit na ring matapos ang kwentong ito! Naguguluhan ako...posible ba na ika'y mangungulila para sa isang taong hindi mo man lang kilala at di mo man lamang alam kung ano ang itsura ni pangalan? Kasi hindi na ako nakakatutok sa mga dapat kong pagtuonan ng pansin. Siguro'y dapat bumalik na nga ako sa asylum...hindi pa talaga ako lubusang gumaling...


Kasalukuyang nararamdaman: Labis na pangungulila at lungkot.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home