Istoker: Huling Serye.
Makalipas ng ilang minuto, sumuko na ako. Tsaka ko muling narinig ang halakhak mo. Pangiti akong lumingon, ngunit nagulat ako sa nakita ko. Hindi ikaw ito. Kundi…isang…lalake…! Hindi, hindi siya lalake, isang bakla! Muntik akong nasuka sa nakita ko. Ang tawa niya’y parehong-pareho sayo…ngunit papaanong nangyari ito? Hindi maaari…pero…hindi! Hindi pwedeng mangyari ito! Naaalala kong nakikita siya kung asaan kita sinusundan. Pero…akala ko’y nagkataon lamang na mayroon rin siyang klase doon kung saan ka naroroon.
Kinindatan niya ako at hinalikan niya ang ere. Bigla kong naramdaman ang sakit ng tiyan kaya bumalik ako sa mesa naming na walang imik. Lumapit sa akin ang kaibigan ko.
Kaibigan ko: Pare, may problema ba?
Ako: Wala, pare…may nakita lang akong jokla…
Kaibigan ko: Ah…yun ba? *tinuturo ang bakla ng patago*
Ako: Oo…
Kaibigan ko: *tumawa* Istoker mo yan, pare…
Ako: Ano?! Huwag ka namang magbiro ng ganyan, tol…
Kaibigan ko: This guy’s in love with you, pare…
Ako: @#$%^&*…
Ayan, nailabas ko na ang lahat ng hinanakit ko. Sana’y hindi ako mabaliw at ipadala ito sa kanya at patayin ang bakla kong istoker. Alam kong masaya na siya ngayon at hindi ko na siya gagambalain pa kailanman. Tungkol naman sa bakla kong istoker, paano bang paalisin yong pesteng iyon?!
P. S. Sa wakas! Sana kayo'y lubos na nasiyahan sa maikli kong kwento. Mayroon nga palang nagkomento na mamahalin daw ang gamot ng insomnia na inilagay ko kahapon. Hayaan niyo, maghahanap ako ng mas mumurahing lunas.![]()
Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng katawan
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home