PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Thursday, August 25, 2005

Insomnia 2.0.

Isang lunas ng insomnia.

Kung ika'y isang lalake na nahihirapan sa pagtulog, madali lang ang solusyon:
Sumama sa iyong kasintahan (mas mainam kung babae ang kasintahan) kapag siya ay bibili ng mga damit o kagamitan para sa bahay niya. Kung ikaw ay mas lalong hindi makatulog, simple lang ang ibig-sabihin niyan: bakla ka.

Mga sekondaryang epekto:
  • Maaring makipag hiwalay ang nobya mo sa iyo.
  • Ipapahawak ng kasintahan mo ang kanyang bag sayo habang sinusukat niya ang napili niyang damit; at magmumukha kang bading na nakahawak ng bag ng babae.
  • Maaring tsinatsansingan na ang iyong kasintahan ngunit hindi mo parin alam (dahil tulog ka na).
  • Maaring manakawan ka habang naghihintay sa mahal mong nobya (dahil nga tulog ka na).
  • Maaring pinagtataksilan ka na para sa isang salesman pero hindi mo parin namamalayan.
  • Maaring mapagkamalan kang isang adik/lasing (dahil hindi diretso ang paglakad mo).
  • Maaring malamog na ang mga braso mo dahil ikaw ang tiga-buhat ng mga binili ng nobya.


    • Napansin ko ang katangiang ito sa mga lalaking nakikita ko sa mall na kasama ang kanilang mga kasintahan. Karaniwan ay maaasim pa ang kanilang mukha habang sobrang saya naman ng mga babae.



      P. S. Tama ang iniisip mo, dalawa ang kasagsagan ng kwento ko ngunit ang ipinasa ko ay hindi kasama ang huling yugto na ipapakita ko bukas. Sanay masiyahan kayo sa pagwawakas ng aking maikling istorya dahil gustung-gusto ko talaga ang huling bahagi ng kwento ko. Salamat po.


      Kasalukuyang nararamdaman: Sakit ng katawan.

      1 Comments:

      Blogger mr_diaz said...

      Naku! Maniwala ka sa akin... MAGASTOS yang gamot mo sa insomia! Magpasapak ka na lang hahahha.

      salamat sa laging pagdaan at paglink!

      4:42 PM  

      Post a Comment

      Subscribe to Post Comments [Atom]

      << Home