Bonaks Public Service 1.0.
Maraming mga blog site na walang social responsibility. Madalas ay nakakasira pa nga ang mga ito ng imahe ng ibang tao; tulad na lang nung tungkol sa isang kolehiyala na nandiri umano sa mga katutubo na binisita niya. Pwes, ibahin mo ang Panis. Upang mafulfil ang public service program na ngayon ipinapataw ko [Bonaks1] sa blog na ito, naisipan namin ni Bonaks2 na magpayo na lamang sa mga nangangailangan ng tulong sa kanilang mga problema. Nauna na ako at isinulat ang aking payo. Kung naipost na ito, ibig sabihin ay si Bonaks2 ang nagpost.
dir bonaks,
im lyk ubr inis w/ dis gurl. i hav dis fren hu tnx shes so prty n smrt. kla mo kng cno. she tnx shes so gnda cuz she stol my odr frens bf tpos shes sying na shs gona stil my bf. so kpl d fez no? tpos she tnx shes so tlno cuz she txt n str8 eng. bsta i h8 hr 2 det. sna she dies na idk. s f my bf wud m8k ptl her no. shes ubr drk pa nmn prng ngra. ubr flng 2 d mx. pro she ws my fren n gs. wat shud i do? syang nmn d frnshp d b?
stying prty,
g0ssipgurl
Ang Payo ni Bonaks1:
Dear g0ssipgurl,
Unang-una sa lahat, hija, maaari bang ayusin mo ang pagbaybay? Ang talagang naintindihan ko lang sa sinulat mo ay: "she dies". [Kinailangan ko pang maghanap ng mga text addict sa labas ng bahay upang maisalin sa akin kung ano man ang sinabi mo. Nakakatakot pa ang itsura at kakaiba ang amoy. Parang sigarilyo na hindi.] Sa tingin ko, kung magagawa mo yun, mas madali na rin ang magluto ng itlog. Hindi yun kasing hirap ng iginigiit mo. Kung gusto mo ng pang beginner, sunny-side up muna. Hindi mo kailangang galawin ang itlog. Ilabas lamang ito sa shell, lagyan ng konting asin, tapos idiretso sa paglutuan. Huwag masyadong mainit ang apoy kundi masusunog yan. Kung hindi mo pa rin ako maintindihan, mas mainam na maghanap ka ng direksyon sa Google. Madali lang ang pagluluto ng itlog. Kung tutuosin, mas madali pa ito kaysa sa pagluluto ng hindi instant na noodles. Good luck at sana'y nakatulong ako.
Ang Payo ni Bonaks2:
G0ssipgurl,
Mayaman ba? Kung mayaman siya e di solve na. Hindi malulugi ang boyfriend mo kung aagawin nga siya sa iyo kaya huwag kang magalala. Kung totoo ang mga sinasabi mo, e di mayaman, maganda, matalino at malapokpok siya. Nakajackpot na ang boyfriend mo kung ganun nga. Kung pwede nga lang e ako na ang liligaw jan sa kaibigan mo e. Paano naman masasayang ang friendship mo? Mas babait yun sayo kapag binigay mo sa kanya ang nobyo mo.
Sa susunod dapat ata ako na ang mauuna. Mukhang maling adik ang nalapitan ni Bonaks1. Oo nga pala, forthered, salamat daw sabi ni Bonaks1. Siya kasi yung gumawa ng crappy na layout na ito.
- Bonaks2
Kung gusto mo ng payo para sa iyong mabigat naproblema, mag-email lamang sa panis.si.bonaks@gmail.com. Hindi namin maipapangakong makakasagot kami ng tama, pero sasagot kami.

1 Comments:
Salamat sa pag comment back! Ayos!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home