Hindi pinagnilayan.
Nahihiya na ako. Lagi kong sinasabi na magiging regular ang pagsusulat ko dito sa Bonaks pero laging hindi natutupad. Sa tingin mo kaya ay nagiging compulsive liar ako? O kaya naman ay nahihirapan na akong magmaintain ng napaka rami kong account? Hay. Hindi ko alam. Pero siguro dapat hindi na muna ako magpangako ng kahit na ano. Kahit nga yung pagpalit ng layout di ko panagagawa.
Kanina, binalikan ko uli lahat ng post ko, pati yung mga komento ng mga napadaan. Natuwa ako. Hahahaha Akalain mong mayroong nagsabing reader-friendly ang blog ko??? asdgsajdfglaueaf,hlcmaer HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Saan nanggaling yun??? Medyo hindi ko ata napansin na reader-friendly ako. Pagatapos kong magpost dito, naiisip ko ang lahat ng utak na pinadugo ko. Tapos napapangiti ako. BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA
Pero sa totoo lang, hindi ko akalaing reader-friendly ito. Hahaha Salamat. Salamat na rin sa lahat ng napapadaan at naiinis sa akin dahil hindi ko magawang regular na magsulat. Nahihirapan talaga akong gumamit ng Filipino e. Ewan ko ba.
Dahil lagi akong mahabang mag-post, hindi natatapos diyan ang isusulat ko. Ano ka, sinuswerte? Kailangan sumuka ng utak ko kaya dito ko na muna gagawin.
Noong nasa puder ako ng mga mongha, tinuruan kami ng maraming bagay---hindi lang kung paano magmukhang tao kahit na kalbo at nakasuot ng orange na tuwalya, kundi pati na rin ang tamang paraan ng pagbubulay-bulay. Ano nga ba ang pagbubulay-bulay at ang pagkakaiba nito sa pagdadasal?
Sa pagdadasal:
Kahapon ay kumain kami sa labas ng kuya ko. Linibre niya ako. Yey. Tapos, habang hinihintay namin yung pagkain naming hilaw na isda na hindi ko maintindihan kung bakit ang tagal e hilaw na isda lang naman, mayroon tatlong lalake na umupo sa tabi ng mesa namin. Tatawagin natin silang si Panot, Konyo boy at si hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita.
Panot: Hey what do you guys like to order?
Konyo boy: Hmmmm...do you think, like, the sashimi here is good? Do you guys, like, like salmon?
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: ...
Panot: Yeah, I guess that's good. *umorder ng pagkain*
Konyo boy: *sumandal sa upuan*

Panot: *nagstretch at sumandal rin sa upuan tapos ngumiti ng mayabang at nagsalita ng malakas* Did you guys know I was nominated for Mr Photogenic in the yearbook?
Konyo Boy: ...

Panot: Yeah, I was. *mukhang kontento sa sarili*
Konyo boy: [imagined thought bubble: "Yeah,but like, who cares? You didn't, like, win, did you?"]
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: [imagined thought bubble: "..."]
Ako: *natatawa pero pinipigilan*
Kuya ko: *walang napansin dahil abala sa pagtetext*
Yun lang. Noong panahon ko, nagmamayabang lang kami kapag nanalo na kami. Kasi mayroong posibilidad na ninomina ka lang bilang isang biro. Hindi kami nagpapahayag sa malakas na boses kung ninomina kami...lalo na kung Mr Photogenic lang. Ano naman ang silbi nun? Di ba dapat ang kagwapuhan mo na ang magsabi nun at hindi mo na kailangang itahol sa megaphone? Iba talaga noong panahon namin. Ay sandali, pareho lang pala kaming henerasyon. Bakit kaya ganun? Hindi ko lubos maintindihan. Hayaan mo na. Minsan talaga, kapag lumalangoy ka na sa tuwa, nakakalimutan mo talagang magisip bago magsalita.

- Kakausapin mo ang Diyos (halimbawa: hihingi ng girlfriend, hihingi ng paumanhin dahil nabuhusan mo yung napakalaking estatwa ni Hesus, na mas bagay sa isang haunted house, ng serbesa noong nagdiwang kayo ng patago sa bahay ng lola ng kabarkada mo dahil wala na kayong ibang lugar na mapupuntahan at ang bahay ni lola, kahit na kupas na ang birong ito, ay ang natitirang lugar na pwede niyong gamitin na hindi magpapadugo ng bulsa niyo tulad ng Embassy o Shangrila)
- Kinakailangan, para sa ibang mga relihiyon, ng seremonya. Maari itong maging sign of the cross, pagyuko hanggang sa nahahalikan mo na ang sahig, o kaya naman ay ang pagpopole dancing ng tatlompung minuto sa tugtog ng "Heal the world" bago magumpisa ang ano mang nais mong sabihin.
- Hindi ka maaaring mag salita, kahit sa loob ng utak mo. Kinakailangang pakinggan mo ang paligid upang marinig ang gustong sabihin sayo ng Diyos.
- Ang papel mo sa ganitong ehersisyo ay ang pagiging tagapakinig lamang. Kaya, kahit na gusto mong itsismis sa Diyos na nakita mong mayroong sikretong buhay ang kapit-bahay mong si Pareng Juan na pagiging isang Drag Queen na tumatambay tuwing Miyerkules at Huwebes ng gabi sa Ermita na suot ang damit panloob ng kanyang bruhang asawa na talaga namang karapat-dapat lang na mapinsala ng ganito klaseng kalamidad, HUWAG. Alam mong alam na ng Diyos na nangyayari yun. Hindi mo kailangang maging miyembro ng The Buzz.
- Kinakailangan ng buong atensyon mo ang pagbubulay. Hindi ito tulad ng pagdadasal na kahit na kausap mo ang diyos, nakatingin ka sa tumutulong uhog ng katabi mo sa simbahan dahil natatakot kang malagyan ka nito habang nakapikit ang mata mo. Kung hindi ka rin lang naniniwala na masasagip kang Diyos sa tulo ng uhog, paano mo masasabing isasagip ka niya kapag katapusan na ng mundo? Mas mabuti pang huwag ka nang magdasal.
- Kahit na wala itong kinakailangang seremonya, hinihiling nito na iwanan mo ang mundo. Hindi ibig sabihin na saksakin mo ang sarili mo at magpakamatay upang magbulay. Ibig-sabihin nito'y kahit na mayroon kumakausap sayo, huwag mong pakinggan o pansinin. Pumunta ka sa buwan. Wala nang kakausap sayo dun. Wag na sa Mars dahil may posibilidad na mayroon nga talagang nabubuhay doon.
Kahapon ay kumain kami sa labas ng kuya ko. Linibre niya ako. Yey. Tapos, habang hinihintay namin yung pagkain naming hilaw na isda na hindi ko maintindihan kung bakit ang tagal e hilaw na isda lang naman, mayroon tatlong lalake na umupo sa tabi ng mesa namin. Tatawagin natin silang si Panot, Konyo boy at si hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita.
Panot: Hey what do you guys like to order?
Konyo boy: Hmmmm...do you think, like, the sashimi here is good? Do you guys, like, like salmon?
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: ...
Panot: Yeah, I guess that's good. *umorder ng pagkain*
Konyo boy: *sumandal sa upuan*
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: ...
Panot: *nagstretch at sumandal rin sa upuan tapos ngumiti ng mayabang at nagsalita ng malakas* Did you guys know I was nominated for Mr Photogenic in the yearbook?
Konyo Boy: ...
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: ...
Panot: Yeah, I was. *mukhang kontento sa sarili*
Konyo boy: [imagined thought bubble: "Yeah,but like, who cares? You didn't, like, win, did you?"]
Hindi-ko-napansin-dahil-hindi-nagsasalita: [imagined thought bubble: "..."]
Ako: *natatawa pero pinipigilan*
Kuya ko: *walang napansin dahil abala sa pagtetext*
Yun lang. Noong panahon ko, nagmamayabang lang kami kapag nanalo na kami. Kasi mayroong posibilidad na ninomina ka lang bilang isang biro. Hindi kami nagpapahayag sa malakas na boses kung ninomina kami...lalo na kung Mr Photogenic lang. Ano naman ang silbi nun? Di ba dapat ang kagwapuhan mo na ang magsabi nun at hindi mo na kailangang itahol sa megaphone? Iba talaga noong panahon namin. Ay sandali, pareho lang pala kaming henerasyon. Bakit kaya ganun? Hindi ko lubos maintindihan. Hayaan mo na. Minsan talaga, kapag lumalangoy ka na sa tuwa, nakakalimutan mo talagang magisip bago magsalita.

1 Comments:
nakakatuwang basahin blogs mo. di ko lang alam kung paano ao napadpad dito pero buti nalang. :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home