Pataasan ng Ihi.
Una sa lahat, si Bonaks2 eto. Oo, ako yung mas cool na manunulat dito, kaya huwag kayong magalala, hindi ko paduduguin ang mga utak niyo. Pangalawa, kaya ako pinayagang magsulat dito ay dahil nagluluksa pa si Bonaks1 para sa idolo niyang si Michael Jackson. Ewan ko ba jan. Parang di naman nakikinig kay MJ tapos biglang nadepress sa pagkamatay niya. Nakikiuso lag ata e.
Anyway...
Siguro naman ay nakikita niyo na kung paanong ako ang mas may alam sa mundo sa aming dalawa ni Bonaks1. Ako ang karaniwang sumasagot ng napakaraming tanong na hindi makuha nung chekwa na yun. Ngayon ay mayroon nanaman siyang tanong para sa akin. Tulad ng dati, napakadali ng tanong na ito.
Saan nanggaling ang metaporang "pataasan ng ihi"? Bakit ganun pa ang ginamit na halimbawa at ano ang importansya nito?
Aba'y napakadaling tanong! Hindi ko na kailangang magresearch!
- isa itong idioma at hindi metapora. Haha akala mo ba'y mas magaling ka sa akin, Bonaks1? Kahit kailan, hindi mangyayari yun!
- Karamihan sa mga lalake'y nakakaalam nito. Noong bata pa kami, ginagawa naming paligsahan ang pagwiwi. Paano ito ginagawa? Simple lang, tinataas namin si totoy. Minsan, kapag nakaabot ka ng taas ng limang hollowblock, unti-unting nabubuo ang pagkalalake mo. Kung mas mataas, mas lalake ka. Ganun lang yun.
- Ginamit itong halimbawa kasi, kahit na hindi ito ituturo sa isang binatilyo, gagawin niya pa rin itong paligsahan. Nasa nature na namin yun.
- Importansya? Hindi mo ba alam na ito ay isang rite of passage naming mga lalake? Huwag mong ismolin yan!
- Kasing sagrado ng side b. Yun.
Mayroon pa kamng ibang mga natatanging porma ng paligsahan tulad ng:
- Paramihan/pabilisan ng paglamon ng kanin
- Pahabaan ng buhok sa ilong
- Paramihan ng nascore na chicks
- Paramihan ng araw na nagside B
- Paramihan ng jolen.
- Paramihan ng nasuntok na bading.
- Pahabaan ng utot.
- Pahabaan ng pagdighay.
- Paramihan ng nainom na beer.
- Paramihan ng napatay sa Counter Strike.
- Pataasan ng level sa Warcraft.
- Paramihan ng white blood cells.
- Pataasan ng talon.
- Paramihan ng nabali na buto.
- atbp.
Marami talaga. Marami.
Hay…ano nga ba talaga ang gagawin mo kapag wala ako Bonaks1? Pangilang tanong na ito na nasagot ko? Dapat payagan mo na akong bumalik sa Bonaks.
Oo nga pala, di mo pa sinasabi yung resulta mo sa pang-apat na itinala ko, Bonaks1!

5 Comments:
Wow. ang ganda ng blog mo. Maganda ang lay out at ayos ung mga post. Napandaan lang po. Pwede ko bang i-link ang blog mo?
sure manure :)
I'm not going to get myself involved in something as barbaric and unsanitary as side b. Besides, I never agreed to such a thing.
sus. sinong linoko mo? Siguro sinubukan mo ano? sabihin mo na! alam ko namang talo ka sa akin kasi n00b ka pa lang e. lolz
text mo sa akin kung ilang araw yung record mo ha. para malaman natin kung sinong mas ok na manunulat. Hehe
In the words of the new Parokya ni Edgar commercial:
"BASTE-OS!!!!!"
I'd slap you but you wouldn't be able to feel it anyway kasi nga makapal ang mukha mo.
Tungkol sa kung sino ang mas okey na manunulat, hindi ito pataasan ng ihi. :P
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home