PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, June 08, 2009

May Bukas Pa.

Alam mo, isa sa mga araw na ito, mapapako ako. Lagi kong nababali ang mga pangako kong magpost dito e. Wala akong magandang palusot ngayon. Talagang tamad lang ako. Tsaka wala akong maisip na sasabihin. Paumanhin nalang. Hindi ako ganun kagaling magsulat. Tsaka wala akong diresyon sa buhay.

Mayroon lang akong gustong itala na mga bagay-bagay na naganap noong nakaraang buwan na hindi ko matanggal sa aking isipan.

1. May Bukas Pa - Isang telenobela na kung sumalubong samga nanunuod ay parang bagong hindi mo naintindihan. Bakit nga ba nila ito nagugustuhan? Dahilan ba ito sa magaling na pag-arte ng bata na gumaganap kay Santino? Dahil ba bagay ni Dominic Ochoa ang magpari? Naisip ko, maaari nga. Pero sa tingin ko e mahilig lang talaga tayong manuod sa isang schizophrenic na batang mayroon imaginary friend na tinatawag niyang "bro" na inaakala niyang Hesus na hindi nakikita ng ibang tao kasi nga imaginary. Sa totoo lang, nakakaawa nga naman talagang tignan ang mga batang ganito. E yun naman ang dahilan kung bakit tayo nanunuod ng mga telenobela hindi ba? Ganito ang mga tunay na tao ngayon.

2. Sen. Bong Revilla - Sa tuwing nakikita ko siya sa telebisyon bilang isang senador, nalulungkot ako. Nalulungkot akong talaga. Nalulungkot ako sa lahat ng sinayang niyang boto at buwis na pinagpapawisan at pinagsusukaan (dahil sa hirap) nating bayaran sa gobyerno. Nakakahiya. Nakakahiya siyang panuorin nuong imbestigasyon sa Hayden Kho scandal. Tama ba naman na tatanungin niya si Katrina Halili ung ano ang nararamdaman ng tao na kaharap niya yung manyak na yun sa Senado. Senador, ano ka? THE BUZZ?!?!?! Akala ko ba imbestigasyon ito? Nakakahiya ka. Tapos ang lakas ng loob niyang sabihin na ginagawa niya ito para sa mga babae? Paano yung mga nanyari noong ilang taon na ang nakakalipas? Yung mga Gang rape videos sa YouTube? May ginawa ka ba? WALA. Tapos sasabihin mong ginagawa mo 'to hindi dahil sikat si Katrina? Bakit hindi mo hinamon ang mga nakaraang biktima ng mas nakakahiyang sex scandal na lumaban? Hindi ba dahil hindi mo sila kilala? Mahiya ka naman sa balat mo. Nagsisinungaling ka pa sa harap ng sambayanang Pilipino. Sige, sapakin mo si Baldwin. Para naman may mukhang maihaharap ka sa amin.

Paumanhin, kumukulo ang dugo ko sa gagong ito.

3. Tayong Dalawa - Isang telenobela na talaga namang angkop na angkop sa totoong buhay. Isang patunay na isang pokpok lang ang kailangan upang magkaleche-leche ang buhay mo. Matapos nitong kunin ang asawa mo, kukunin nito ang ari-arian mo, ang negosyo mo, ang anak mo, ang ina mo, at pati na rin ang katinuan ng isip mo. Oo nga pala, matapos ng lahat ng yun ay siya pa ang magmumukhang bida. Ganun din ang mangyayari sa anak mo na lalabas nahindi mo pala talaga anak---matapos niyang gawan ng pagkarami-raming pabor ang kapatid niya sa labas (na ipinanganak ng nasabing pokpok) ay aagawin nito ang nobya mo, trabaho mo, kredibilidad mo, pati na rin ang kidney mo. Ah oo nga, yung kapatid sa labas pa rin ang magmumukhang bida. Anong klaseng lecheng buhay ito. Ang aral ng kwento: Huwag magaasawa ung hindi mo kayang iwasan na magtaksil ito.

4. Mrs Kho - Kung ayaw mong magsalita, huwag na lang magsalita. Para naman mas magaan ang sentensya ng anak mo at hindi masayang ang oras namin habang naghihintay na panuorin ang May Bukas Pa.

5. Lechon - Bakit kaya napaka sarap nito? Ano sa tingin mo?

6. Boys over flowers at Only You - Napanuod mo na yung naunang bersyon. Alam mo na kung ano ang mangyayari at kung ano ang mga sikretong elemento ng kwento. Bakit mo pa rin ito pinapanuod? Siguro mahilig ka rin sa Cueshe ano? At sa mga walang sawang pinag-pasapasahan na bopis na isang linggo pang linuto. Oo, ganyan ka nga. Bakit nga naman maghahanap ng iba kung mayroon na dito? Kung pwede pa rin ang pinaglumaan? Kaya pala hindi pa nawawala ang cinema one.

7. Presidentiables - Kung mananalo si Bayani Fernando o si Joseph "Erap" Estrada, buburahin ko na ang Bonaks. Hindi ko na gagamitin ang salitang Filipino at lilipat na ako sa ibang bansa bilang isang Japanese/Korean/Brazilian/Spaniard na hindi marunong magkoreano o magkastila. Dahil wala na akong respeto sa Pilipinas at sa mga Pilipino kung nangyari ito.

8. Presidentiables(ulit) - Mahirap talagang sagutin ang tanong ni Ms Che Che Lazaro tungkol sa mga ari-arian. Naiintindihan ko yun. Ang kapal din ng mukha niyang magtanong kung kumusta ang mga kinukurakot niyo ano? Ang babaeng yun talaga.

9. SNN - Mas natutuwa ako sa NNNN. Sana araw-araw nalang itong meron.

10. Congrats kay Roger Federer. Hindi lang magalig sa Tennis, pati sa Ingles at French din! Hahahaha Ang galing niya kagabi. Alam ko kasi pinilit akong manuod ng balls.

Yun lang sa ngayon. Oo, may interes na ako sa pulitika ngayon. Lalo na't registered voter ako. Magrehistro na rin kayo. Matagal nang tulog ang Pilipinas. Kailangan na itong bumangon muli. Maawa naman kayo para sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa bansang ito. May bukas pa.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home