PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, October 27, 2008

Sipod.

Malapit nanaman ang undas at katapusan ng sem break, oras na upang magluksa. Karamihan sa atin ay babalik sa masasamang alaala sa linggong ito. Ang iba, dahil sa pagkawala ng minamahal, kamag-anak, sinasamantalahan, at sarili [bakit, hindi ba pwedeng magluksa ang mga multo? Ang yayabang niyo porke buhay pa kayo], at ang iba naman ay babalik sa mga mahahabang itim na kuko ng kanilang mga guro. Wala lang. Hindi ko rin gustong magkwento ng tungkol sa mga multo, maligno, kay de la Paz, Christy Fermin, o guro ng matematika at pilosopiya. Nagsasawa na talaga ako sa mga ipinapakita nilang ganun sa telebisyon. Sa katunayan, dapat hindi na ako nagsusulat. Ngunit dahil mahal ko ang mga nawawalang mga nilalang na nagbabasa ng Bonaks™, magsusulat muli ako. Malakas kayo sa akin e.

Marami-rami akong natutunan habang halos itahol ko ang baga ko sa lala ng aking sipon at ubo:

1. Kung hindi ka sanay magpamasahe, ihanda ang sarili sa kahihiyan, sakit at kiliti. Ang una ay dahil ipapahubad ka at kung tao ka, natural lang na mahihiya ka. Ang pangalawa ay sakit dahil pipindutin ka hanggang sa tingin mo’y mayroong mga maliliit na bato sa pagitan ng iyong mga muscle fibres na pilit na inilalabas sa pamamagitan ng pores ng iyong balat. Ang pangatlo naman ay natural lang dahil hindi ka sanay sa hawak ng ibang tao, lalo na sa pagpisil.

2. Kung sobrang sakit ng ulo mo dahil sa bilis ng pagdaloy ng dugo sa ulo mo, huwag mong susubukang sugatan ang iyong mukha gamit ang cutter. Maaari kang mahuli ng nanay mo bago mo magawa ito at pagalitan ka hanggang malaglag ang mga tenga mo o kaya naman ay makita niya ang sugat mo kinabukasan at pagalitan ka hanggang sa matunaw ang utak mo. Huwag mo nalang gawin; mahal magpa-Belo.

3. Kung ang pakiramdam mo ay isang lumulutang na ulo ka lang, mas mabuti nang hindi ka lumabas ng bahay—at mas mabuti pa sa mas mabuti kung hindi ka lalabas ng kwarto mo dahil kung totoo nga ang sinasabi nilang sikat na linya na “You are as you feel”, ang ibig-sabihin nito ay magmumukhang lumulutang na pugot na ulo ka na may sipon. Iyon ay siyempre kung totoo ang linyang iyon. Kung hindi naman, masama rin iyon. Paano nalang kung tumatawid ka? Kung hindi ka lumulutang na ulo, siyempre matatamaan ng mga sasakyan ang katawan mo. Mapanganib at masakit yun.

4. Kung mayroon kang nakitang orange na may bibig, huwag tangkahing kausapin ang prutas na ito. Maaari kang pilosopohin nito tungkol sa kanyang at iyong existence, pagpipili ng mga tao sa imahinasyon kaysa sa katotohanan, at level of intelligence ng tao. Mas masama pa kung tatawagin kang bobo dahil sa pagkampi mo kay Charles Darwin ukol sa emo movement at Kristyanismo.

5. Kung sobrang sakit ng ulo mo na gusto mo nang magpakamatay, huwag maniwala sa isang gamot nagsasabing “Pain transfer”. Bobo ka ba? Bakit ka maghahanap ng gamot na maglilipat ng sakit kung mayroon namang nagpapawala nito?

Sumasakit nanaman ang ulo ko. Pesteng sipon. Dapat kasi may vaccine na para sa sipon e. Pesteng ina ng leche flan na anak ng kapeng mainit. Gusto ko tuloy magmerienda. @#$%^&*! Sige, hanggang jan nalang. Kelangan ko pang matulog kung gusto kong gumaling.




-Bonaks1

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Baliw.

11:07 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home