emarte.
Paumanhin. Dahil ako'y nacomatose sa patuloy kong pagkain ng kung anu-ano, nawala ako ng buong Setyembre. Hahaha tama ka, hindi talaga ako magaling magsinungaling. Lalong-lalo nang hindi ako magaling magsulat.
Matapos ng iskandalosong post ni Bonaks2, sinesante ko muna siya. Hindi maaring patuloy siyang nagpapadumi ng inyong mga utak.
Dahil patay ang 87%* ng aking utak mas mahihirapan akong magsulat ng kung anumang nakakapatawa sa mga uod ng mansanas/rambutan ninyo, kung ikukumpara sa dating 86.95714%* na sira. Kung kaya't kukuha ako ng isang entry mula sa aking talaarawan. Hindi ko alam kung kasama pa rin ito sa aking 8% limit, ngunit hindi niyo naman malalaman...at kung gayun, hindi rin importante na gumawa pa ako ng limit. Tama, mahilig akong pumatay ng aking brain cells. Sus, ayan tuloy...may namatay nanaman na 0.0003%. Ayan kasi e. Mahirap pa naman maghanap ng bago. Pupunta nalang ako ng Greenhills o Divisoria...mas mura ata ang mga utak doon.
Kamakailan lamangnoong Mayo 13, nakapanuod ako ng isang drama sa MRT line ng 7:36 ng umaga. Dahil hindi ako madalas lumabas ng ganitong oras, hindi ako masyadong sanay sa mga dramang tulad nito.
Ale: Aray ko naman! Huwag ka nang pumasok! Siksikan na kami dito!
Ghurl: Bakit ba? Parepareho tayong nagbabayad! Ang arte mo!
Ale: May gana ka pang magalit!
Ghurl: Bakit? Dapat naman akong magalit ah! Ikaw wala sa lugar ang galit mo!
Ale: Aba! Ang lakas ng loob mo e sumisingit ka lang! Maluwag dito kanina!
Ghurl: Kelan?
Ale: Kanina!
Ghurl: Kanina yun!
Ale: Dapat hindi ka na sumingit! Nakita mo na ngang siksikan na kami dito e!
Saling Pusa: Lahat tayo siksikan! Kung may problema kayo, bumili kayo ng sasakyan niyo!
Ghurl: [focuses on old woman and speaks in a failed American accent] Huwaay yoooo meyk it big deeeal? <-----------[spoken quickly]
Ale: Ang kapal mo talaga!
Ghurl: Shaddap!!!
Ale: Ang bastos ng--
Ghurl: Eh shaddap!!!
Ale: *seethe*
Ako: *snortscarabaoenglishsnorts*
Ano ang pangunahing tanong sa tekstong ito? Aba'y simple lamang: bakit pumupunta dito ang mga Koreano upang magaral ng Ingles? Hindi ba't nakapagtataka na pumupunta sila dito ngunit marami pala sa mga mamamayan ang hindi marunong gumamit ng lenggwaheng ito? Pakiramdam ko'y nagsasayang laang ng pera ang mga Koreano dito. Dapat tayong magsaya dahil tinutulungan nila ang ating ekonomiya!!! wahahahah
Kung nagtataka kayo tungkol sa kanilang mga edad, ako rin. Hahaha pero sa tingin ko ay maaari kong masabing 23 taong gulang pa lamang ang bastos na babae and 48 taong gulang naman yung ale. Yung Saling Pusa...hindi ko na alam kasi hindi ko naman nakita. Siguro siya yung sinasabi nilang Diwata ng MRT??? Ang siyang nagpapasikip sa tren sa oras na talagang huling-huli ka na sa trabaho? Maaari. Sayang at hindi ko nakita ang kanyang mukha. Baka mabigyan niya pa sana ako ng mga mahiwagang nahulog na stored-value.
Sa tingin ko'y bastos iyong babae kahit na may tama ang sinasabi niya. Matanda parin si Ale. Dapat igalang pa rin. Tsaka lahat naman nagbabayad, hindi ba? Wala rin siyang karapatan na bawiin ang kaginhawaan ng mga pasahero. Matuto tayong, gumalang lalo na kung asta Melanie Marquez ang ating Ingles. Hahahah hindi, nagloloko lang ako.
Mga leksyong nahahango sa teksto para sa mga taong hindi makaintindi ng kanilang binabasa o hindi nagbasa talaga:
1. Nagsasayang ng pera ang mga Koreano dito.
2. Tinutulungan nila ang ating ekonomiya kahit na nasisira nila ang ating mga ilong gamit ang kimchi.
3. Nagbigay pala si Marcos nga pekeng rolex sa kanyang mga goons noong panahon niya at hindi nila napansin ni minsan.
4. Matutong gumalang sa matatanda.
5. Siksikan sa MRT kapag umaga. @#$%^&*.
6. Masarap ang Mangosteen.
7. Mayroon pala talagang Diwata ng MRT!!!
8. Nagugutom na ako.
9. Huwag makipag-away gamit ang Ingles kung hindi ka naman marunong. Mapapahiya ka lang.
10. Masakit ang ulo ko.
11. Hindi ka makaintindi ng mga binabasa mo o hindi ka nagbasa.
* = ito ay porsyento ng 10% na ating ginagamit sa ating utak.
Matapos ng iskandalosong post ni Bonaks2, sinesante ko muna siya. Hindi maaring patuloy siyang nagpapadumi ng inyong mga utak.
Dahil patay ang 87%* ng aking utak mas mahihirapan akong magsulat ng kung anumang nakakapatawa sa mga uod ng mansanas/rambutan ninyo, kung ikukumpara sa dating 86.95714%* na sira. Kung kaya't kukuha ako ng isang entry mula sa aking talaarawan. Hindi ko alam kung kasama pa rin ito sa aking 8% limit, ngunit hindi niyo naman malalaman...at kung gayun, hindi rin importante na gumawa pa ako ng limit. Tama, mahilig akong pumatay ng aking brain cells. Sus, ayan tuloy...may namatay nanaman na 0.0003%. Ayan kasi e. Mahirap pa naman maghanap ng bago. Pupunta nalang ako ng Greenhills o Divisoria...mas mura ata ang mga utak doon.
Kamakailan lamang
Ale: Aray ko naman! Huwag ka nang pumasok! Siksikan na kami dito!
Ghurl: Bakit ba? Parepareho tayong nagbabayad! Ang arte mo!
Ale: May gana ka pang magalit!
Ghurl: Bakit? Dapat naman akong magalit ah! Ikaw wala sa lugar ang galit mo!
Ale: Aba! Ang lakas ng loob mo e sumisingit ka lang! Maluwag dito kanina!
Ghurl: Kelan?
Ale: Kanina!
Ghurl: Kanina yun!
Ale: Dapat hindi ka na sumingit! Nakita mo na ngang siksikan na kami dito e!
Saling Pusa: Lahat tayo siksikan! Kung may problema kayo, bumili kayo ng sasakyan niyo!
Ghurl: [focuses on old woman and speaks in a failed American accent] Huwaay yoooo meyk it big deeeal? <-----------[spoken quickly]
Ale: Ang kapal mo talaga!
Ghurl: Shaddap!!!
Ale: Ang bastos ng--
Ghurl: Eh shaddap!!!
Ale: *seethe*
Ako: *snortscarabaoenglishsnorts*
Ano ang pangunahing tanong sa tekstong ito? Aba'y simple lamang: bakit pumupunta dito ang mga Koreano upang magaral ng Ingles? Hindi ba't nakapagtataka na pumupunta sila dito ngunit marami pala sa mga mamamayan ang hindi marunong gumamit ng lenggwaheng ito? Pakiramdam ko'y nagsasayang laang ng pera ang mga Koreano dito. Dapat tayong magsaya dahil tinutulungan nila ang ating ekonomiya!!! wahahahah
Kung nagtataka kayo tungkol sa kanilang mga edad, ako rin. Hahaha pero sa tingin ko ay maaari kong masabing 23 taong gulang pa lamang ang bastos na babae and 48 taong gulang naman yung ale. Yung Saling Pusa...hindi ko na alam kasi hindi ko naman nakita. Siguro siya yung sinasabi nilang Diwata ng MRT??? Ang siyang nagpapasikip sa tren sa oras na talagang huling-huli ka na sa trabaho? Maaari. Sayang at hindi ko nakita ang kanyang mukha. Baka mabigyan niya pa sana ako ng mga mahiwagang nahulog na stored-value.
Sa tingin ko'y bastos iyong babae kahit na may tama ang sinasabi niya. Matanda parin si Ale. Dapat igalang pa rin. Tsaka lahat naman nagbabayad, hindi ba? Wala rin siyang karapatan na bawiin ang kaginhawaan ng mga pasahero. Matuto tayong, gumalang lalo na kung asta Melanie Marquez ang ating Ingles. Hahahah hindi, nagloloko lang ako.
Mga leksyong nahahango sa teksto para sa mga taong hindi makaintindi ng kanilang binabasa o hindi nagbasa talaga:
1. Nagsasayang ng pera ang mga Koreano dito.
2. Tinutulungan nila ang ating ekonomiya kahit na nasisira nila ang ating mga ilong gamit ang kimchi.
3. Nagbigay pala si Marcos nga pekeng rolex sa kanyang mga goons noong panahon niya at hindi nila napansin ni minsan.
4. Matutong gumalang sa matatanda.
5. Siksikan sa MRT kapag umaga. @#$%^&*.
6. Masarap ang Mangosteen.
7. Mayroon pala talagang Diwata ng MRT!!!
8. Nagugutom na ako.
9. Huwag makipag-away gamit ang Ingles kung hindi ka naman marunong. Mapapahiya ka lang.
10. Masakit ang ulo ko.
11. Hindi ka makaintindi ng mga binabasa mo o hindi ka nagbasa.
* = ito ay porsyento ng 10% na ating ginagamit sa ating utak.

1 Comments:
may pagkabastos nga si ambisyosang babae!!! pag ganyan pinapabayaan ko na lang magtantrums ang mga matatanda.. yaan ko na lang moment nila yun para magpakatoddlers.. cheers glesy the great;p
http://anakngpiso.wordpress.com/
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home