PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Friday, August 01, 2008

Side B.

Oi! Kumusta na kayo? Dahil tamad si Bonaks1, hiniling niya na ako muna ang mag-post dito. Mukhang ayaw niya pang mamatay ang Bonaks (tm). 'Wag lang kayong masyadong umasa ha. Hindi rin ako masipag mag-post. Tsaka sabi ni Bonaks1 medyo berde daw ang aking pag-iisip. Kapal niya. Hayaan mo na, sexist kasi yun e. hehehe

Sa totoo lang, wala akong ideya kung anong ilalagay ko dito. Malamang nawindang na kayo sa mga pinagsusulat ng baliw na yun. Sana walang nasiraan ng ulo sa inyo. Paumanhin...nakatakas kasi yun sa mental.

Dahil pampubliko naman ang blog na ito, sa tingin ko okey lang naman na magtanong ako ng kung anu-ano di ba? At maaari din naman siguro akong magbigay ng aking mga teorya sa akong mga tanong. Hindi ba? Kung tutuosin, tinanong niya na rin naman ang tungkol sa mailman bags. Pagbigyan niyo na ako. Ngayon lang niya ako pinayagan magpost uli dito. hahaha

Maraming babae ang hindi nakaka-alam [o sana'y totoo nga itong sinasabi ko] tungkol sa tinatawag nating "side b". Ano nga ba ito? Hindi ang kabilang side ng cassette tape na pinapatugtog niyo sa walkman ang tinutukoy ko. Ano nga ba talaga ito? Kung babae ka, mas mabuti na na hindi mo ito alam. Kung lalake ka, alam mo na ito. Kahit na gaano ka kalinis at kahit na zonrox ang gamit mong panligo, alam kong alam mo ang ibig-sabihin ng "side b". Syempre, alam din ni Bonaks1 ito [dahil hindi nahihiya ang mga gagong lalakeng kaibigan niya na magbahagi ng mga sikreto natin]. Sige na nga, sasabihin ko na rin. Ilalagay rin naman ni Bonaks1 yun dito kung hindi ko ilalagay. Mas maganda nang maiwasan ang galit ng isang halimaw na baliw. And "side b" ay kung kailan ginagamit ng tao ang baliktad na side ng kanyang brip. Lahat ay gumamit na nito, lalo na kung umakyat na sila sa bundok at wala silang masyadong nadalang damit. Mayroon ngang ibang gumagamit ng "side c", "side d", etc. Hindi ko na ipapaliwanag kung paano yun. Bahala na kayong manghula.

Malamang ay kumulubot na ang mga ilong ng mga babae sa diri sa nabasa nila sa taas. Sa totoo lang, hindi yun nakakadiri. Kung ang mga 'Kano nga e hindi naliligo araw-araw pero hulog panty sila sa iba sa inyo. Tsaka alam ko rin na ginagawa niyo rin ito. Akala niyo kami lang? Ha! Alam namin na ginagawa niyo rin yan. Kunwari pa kayo. Isipin natin mga pare: para saan ang panty-liner ng mga babae? Di ba may panty na sila? Syempre mahirap "sumide b" kapag naka-thong ka diba? Ganun lang yun! Hahaha Yun ang alam kong dahilan kung bakit mayroon silang panty-liner. bwahahaha




-Bonaks2

3 Comments:

Blogger ice said...

hala! din ko pa ginawa yan nu!
si bf kya? lol

12:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hoy, gago ka talaga hahahaha Kung anu-anong pinapasok mo sa utak ng mga tao!!! Baka may naturuan ka pang mag-side B. Wag mo silang itulad sayo.


P. S. Hindi ko alam yang side c at d na yan. Tsaka sa tingin ko mali ang pagkatingin mo sa pantyliners. Manyak ka talaga; puro ganyan ang iniisip mo.

4:25 PM  
Blogger glesy the great said...

inggit ka ba sa pantyliners ng mga babae... sino ba ang nagsabi na sa babae lang pwede ang pantyliners... gawin mo din syang bripliners.. at least madadagdagan ang sides mo... tapalan mo ng lima yung brip mo para pang isang linggong brip ang dala mo.. nyahaha... add ko ang bonaks na to sa link ko ha... para may makulitan ako!!! ayos? ayos!!cheers!!!-glesy the great;p

http://anakngpiso.wordpress.com/

10:09 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home