PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, June 26, 2007

Shampoo Commercial 2.0.

Paumanhin sa tagal ko nang hindi nagpaparamdam. Ngayon na ang pang-siyam na araw na hindi kayo nakakabasa sa akin. [swerte lang yun] Nabubuhos kasi lahat ng creativity ko sa comics na ginagawa ko. Wala naman, pagsasanay lang kasi parang nawawala na sa akin ang nagiisa kong abilidad na baka hindi na nga ring kosiderahing abilidad. Sobrang kawawa ko naman na kung ganun.

Dahil mahirap akong basahin at pakinggang dakdak ng dakdak ng kung anu-ano, maglalagay nalang ko ng maikling hinuhabago ako matulog ng alas tres sa umaga.

Patnubay sa paggawa ng patalastas na pang shampoo:

1. Kumuha ng babaeng sikat. Hindi na importante kung maganda siya o kung may talento. Basta sikat, okey na yun. Kahit nga hindi maganda ang buhok pwede e, mayroon namang computer para magayos nun.

2. Kung walang mahanap na sikat na babae, kumuha nalang ng sexy na babae at plastaran ng mukha ng artista ang kanyang mukha bago umpisahan ang pag-shushoot.

3. Gumawa ng nakakainis na awitin upang tumatak sa kokote ng mga tao ang produkto mo. [Halimbawa: Walan kuto]

4. Kumuha ng dalawa pang mga babaeng mukhang maldita upang manlalait sa pangunahin mong artistang nageendorso sa produkto mo. Siguraduhing hindi diretso ang kanilang mga buhok.

5. Kumuha ng lalakeng mukhang matinee idol. Hindi kinakailangang gwapo siya masyado pero mas maganda kung gwaping ang lalakeng ito. Ito ang magiging leading man ng artista mo.

6. Kumuha ng taong may magandang boses upang mag-voice over. Importante ito dahil walang makakaintindi sa patalastas mo kung bulol ang mga aanga-anga mong artista.

7. Umarkilang isang taong sobrang galing mag-edit ng video, mukha, audio, etc. Siya ang pinaka importanteng tao sa grupo mo. Kahit na mawala ka na, basta meron lang siya.

8. Dapat magaling tumalon ang artista mo para may "bounce" ang kanyang buhok.

Yan lang muna. Yan ang template ng paggawa ng isang patalastas ng shampoo. Ito ay pwede mong gamiin sa mga amateur na patalastas mo na paglilipatan ng channel kapag lumalabas sa telebisyon. Sana'y may natutunan kayo.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

bat b glit na glit k sa shmpu cmrcial?

8:27 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home