Paniki.
Ang tagal na rin pala. Nagbabakasyon kasi ako ngayon. Hindi nga dapat ako nagcocomputer e, kaso may mga nagungulit sa akin. May mahaba daw na komento sa dating kong sinulat. Siyempre, dahil nga kultura na ang manyana, bumalik ako kaagad. Sobrang kontrobersyal daw ng mga pinagsusulat ko dito. Aba, sino ba ako para pag-interesan, si Kris Aquino? Pero na-touch din ako sa malasakit. Pruweba ito na maraming taong walang magawa sa buhay nila at nagbabasa nalang ng kung anu-ano sa internet. Hahaha. Salamat sa mga nagcomment kahit na puro basura lang ang nandito sa blog na ito. Salamat talaga. Siguro naging giniling na ang mga utak niyo sa pagbabasa ng mga teorya ko. Okay lang yan. Masarap naman daw ang giniling e pero mas gusto ko ng sabaw.
Walang nangyayari sa buhay ko ngayon. Wala naman talagang pwedeng mangyari e kasi kumukulong ako sa bahay para "hindi maarawan". Mukhang baluga na kasi ako e. Hay. Hindi rin naman importante sa akin ang mga bagay na yan. Basta.
Bakit ako magmamadre? Yan ang isa sa mga isyu na bumabagabag sa akin. Bakit nga ba? Ano ang benepits[sadya yan]? Malamang hindi niyo ito alam, ngunit marami yan.
Advantages:
1. Respetado ka.
2. Pwede mong utos-utusan ang mga bata sa paaralan kung saan ka nananatili.
3. Parte ng nakukuha mo sa eskwelahan ay malaki at pwede mong gastusin sa kahit na anong paraan basta ba wag mong ilantad sa publiko. [Tulad ng pagpapa-spa]
4. Tingin ng lahat sayo mabait ka kahit na nakasimangot ka.
5. Di ka pwedeng magpakasal. [Yey.]
6. Magkakaroon ka ng golf cart kapag hindi mo na kayang maglakad.
7. Pupunta ka DAW sa heaven. [Ewan ko kung kapag patay ka na o buhay ka pa ito.]
Ayan. Hahaha. Yan ang mga naisip ko sa kasulukuyan base sa mga nakikita ko. Hindi ko alam kung tama lahat yan pero kung may maidadagdag kayo, mas maganda.

1 Comments:
ayus, madreng dominatrix!!!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home