PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Friday, June 08, 2007

Patalastases.

Sana may scanner ako. Hindi para mapakita ko yung mga photosna nadigital print naman tulad ng ginagawa ng mga middle-aged na walang bagets na kasama. Ipapakita ko sana yung first gay drawing ko. Wahahaha Sraight kasi akong tao e. Kapag may gwapo o maganda sa tabi ng kalsada, wala akong pake. Kahit na may 10-wheeler sa harap ko wala a rin akong pake. Hay buhay asexual.

Patalastas muna tay dahil matagal ko nang hindi pinapakialaman yun. Dahil wala akong magawa sa buhay, linista ko yunmga paborito kong mga patalastas na nakadikit pa rin sa kokote ko hanggang ngayon. At dahil nga maganda ang mga patalastas na ito, naisipan kong itala sila dito. Dahil kahit na hindi naman known ang site na ito, free advertisement na rin yun para sa mg walang magawa na tumitigil [o sisid, sabi ni sirena] dito. Di ba?

Top 9 commercials*:
1. Nizoral
Bakit? Dahil mayroon itong originality at walang hair swaying. ANg sinasabi ko e yung mayroong lalakeng sinisilip ang mga balikat niya para makita kung may balakubak tapos inakalang naninilip siya. Ipinapakita nito ang detrimento ng pagkakaroon ng balakubak.
2. Axe Vice
Makes nice girls naughty.” Mukhang mahal at akala koyung totoong sikat na artista yung gumanap dun sa matanda. Kahit na mayroong inilantad na S&M, nakakatuwa pa rin.
3. Fita
Yung mayroong kinalahati na pulang sports car. Maliban sa pageendorso ng produkto, tinuturuan din tayo na apat kung magbibigay ay todohin na. Tapos maganda pa yung diwata.
4. Boysen Acritex
The paint that lasts a lifetime—almost.” Orihinal. Wala naming gumagamit ng preso sa mga patalastas maliba nalang kung pangkampanya, hindi ba?
5. Visa
The soup is too salty.” Maliban sa mahal, mayroong martial arts. Minsanan lang yun ha. Tapos mga kusinero pang nagmamartial arts. O diba? Magaling ang pagkakagawa.
6. Visa
Hindi ko alam kung anong lugar ito pero maganda yung pagkagawa. James Bond style ba naman. Nakatricy pa. Nakaktuwa at mamahalin ang pagkakagawa.
7. Visa
The easiest way to get to the Beijing Olymics.” Jackie Chan. Martial Arts. Yao Ming. Action.
8. Biolink VCO for men
Ito na ata ang pumapangalawa sa Nizoral kapag ng ranko ng mga haircare products ang pinaguusapan. Ngayo lang aong nakakita ng purong katutubong Pinoy na nageendorso ng conditioner. Thumbs up talaga. Dapat pro-pinoy at hindi ng fil-am o kung anu-ano diyan. Tularan natin si Pichay. Pro Pinoy.
9. Biolink VCO for women
Pinoy na pinoy. Kaso kung yung modelo sana e katutubo rin. Nakakatuwa na hindi puro sabit-sabit na kagaguhanang ginamit nila.Kahit na pinamukhanilag sinapian yung babaeng magulo ang buhok, ayos lang. Mayroon paring Filipino touch.

Yun lang muna sa ngayon. Magsaya muna kayo dahil maguumisa na ulit at eskwela.

*Siyam lang kasi laos na ang top ten e.

1 Comments:

Blogger Billycoy said...

paborito ko rin yung VCO TV ad, yung sinasapian.. very unconventional for hair products!

12:34 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home