Fox.
Kinomisyon akong magdrawing ng isang mahaba-habang comics na sa May ang deadline. Pero dahil efficient ako, ipinagpaliban ko nanaman ito. Natural. Kaya bukas magcracram na ako. Wala pa nga akong istoryang nabubuo hanggangngayon e. Okay, meron nga pero hindi pa kumpleto. Kung kailan ko kailangan ng istory tsaka nag-ooff ang utak ko. Naranasan niyo na ba yun? Nakakainis. Tapos pansin ko rin nawawala na rin ang karunungan ko sa pagguhit. [There goes my self-worth]
Ano ba ang karaniwang ginagawa ng mga tamad na Pinoy kapag sila'y may kailangang importanteng gagawin? Siyempre maghanap ng ibang bagay na pwedeng gawin. Kaya ako, maliban sa panonuod ng anime pag alas ocho 'y medya [oo, mirumo tsaka alice academy; nademote ako], nagbabasa ako ng cookbook. Alam kong hindi naman talagang literature yun e pero ano pa ba ang magagawa ko? Halos lahat ng libro doon e nabasa ko na. Yung mga hindi ko lang binasa e yung ga textbook ko noon. Oo, isa ako doon sa mga batang hindi gumalaw ng textbook o notebook at nakipag-away lamang sa mga guro.
Kaya nga mas mabuti na rin na hindi na malaman ng publiko kung sino itong mayabang na umaastang magaling manunulat? Pero wala rin yun. Kakaunti rin lang ag mga taong nakakakilala sa akin.
Dismayado ako ngayon sa mga anime sa local TV natin. Ang pangit ng pagkadub, lalo na dun sa bleach tsaka Naruto. Binabago yung mga sinasabi, hindi lang sinasalin. Kasama pa dun yung sobrang init na panahon. GHG nanaman ang may kasalanan. Haaaaay. HALO HALO NAMAN!!! MANLIBRE KAYOOOOOOOO!!!!
Kahapon lang ay napanood ko ang isang bahagi ng senatorial forum. Siyempre, bilang isang responsableng unregistered voter, kailangan kong malaman ang intellectual capability ng mga kumakandidato. Paano ko malalait ng mabuti ang mga ito kung hindi ko alam ang mga bagay na yan, diba? Siyempre, dahil nga number one na daw tayo, gayun din ang ating mga kandidato. Nakakagulat ngang talaga na mayroon palang mga pulitikong hindi nakakaalam kung ano ang ibig-sabihi ng pork barrel. Pwede ba yun? Di ba dun nila kinukuha yung mga kinukurakot nila? 'Sus naman.
Mga Quotable quotes sa TV ngayon:
1. "...we must utilize the proper utilization."
2. "Sana panoorin iyo po kasi sayang naman ang prosthetics." [cosmetics po.]
3. "Welcome to Slovenija!" "Yes, welcome, I mean thank you."
4. "He have birthday today."
5. "Isa kang dukha. DUUUUUKKKKKHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"
Yan palang yung mga nanatili sa utak ko sa ngayon. Oo nga pala, ito ang tingin kong malalagau sa headlines sa mga sususnod na linggo:
"Baby James at Kris, labas na ng ospital"
"Baby James at Kris, unang araw sa bahay"
"Baby James at Kris, lalabas na sa TV"
"Baby James, natawa sa pagsinok ni Kris"
"James, humihilik na ngayon"
Yan lang po ang ulat para sa buong buwan ng Mayo. Manatiling nakatutok para sa mga susunod pang update ng mga artista. Salamat po.

6. "Mayroon kaming problemang financial. Minsan nagkakaroon pa kami ng problema sa pera." [pareho lang yun.]
Yan palang yung mga nanatili sa utak ko sa ngayon. Oo nga pala, ito ang tingin kong malalagau sa headlines sa mga sususnod na linggo:
"Baby James at Kris, labas na ng ospital"
"Baby James at Kris, unang araw sa bahay"
"Baby James at Kris, lalabas na sa TV"
"Baby James, natawa sa pagsinok ni Kris"
"James, humihilik na ngayon"
Yan lang po ang ulat para sa buong buwan ng Mayo. Manatiling nakatutok para sa mga susunod pang update ng mga artista. Salamat po.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home