PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Saturday, May 12, 2007

Juan.

Sabi nila, ang Pilipinas daw ay demokratiko. Sabi nila, magmula nang sinakop tayo ng
mga 'Kano, wala na daw ang monarkiya. Anu-ano ba ang mga pangalang hindi natin kahit
kailan matanggal sa pulitika?
1. Marcos
2. Magsaysay
3. Arroyo
4. Ramos
5. Roxas
6. Macapagal
7. Pimentel
8. Cayetano
9. Defensor
10. Quezon [daw]

Ang nakakataka dito ay kung bakit wala ang pangalang "Juan de la Cruz" na ang siyang
sinasabing pinaka pangkaraniwang pangalan sa 'Pinas. Bakit ba parang ito ang laging
naiisip ng mga Mrs. De la Cruz sa Pilipinas kapag nagsisilang ng mga anak na lalaki? Dahil
ba ito sa kwento ni Juan tamad na naghintay na mabulok ang bayabas para kusa itong
mahulog sa kanyang bibig? Ang pangit naman kung yun ang batayan ng pagkakapangalan
sa anak mo, hindi ba? Tapos magkakaroon ka pa ng maraming kakambal. Malay mo
mayroon na rin palang Juan Dela Cruz na kasabay sa dato ng kapanganakan mo tapos
pareho pa kayo ng trabaho tapos pareho pa kayo ng ipapangalan sa magiging panganay
niyo na si Juan De la Cruz Jr na may palayaw na junior. [kumamot ng ulo] Kung gayon na
rin lang, tawagin niyo na ang brown niyong aso na Brownie, ang puti niyong hamster na
Puti/Whitey at ang luntian niyong pusa na Greenie. Wala talaga tayong creativity sa mga
pangalan. [Tulad ng Bonaks,anong klaseng walang utak ang makakaisip ng pangalan na
ganun?!?!]

Siyempre inunahan ko na kayo. Nakakahiya naman kung iba pa ang magsabi.
Hanggang ngayon wala paring ibinibigay ang isipan ko na kwento sa akin. Kailangan ko ng
inspirasyon tulad ng world peace, o kahit man lang niyebe sa Pilipinas. Hindi na talaga ako
sanay na mahaba ang kuko. Gustung-gusto ko tuloy na mangalmot ng mukha. Hay
naku...[kumuha ng nailcutter]

Bago ako magtapos, gusto ko lang i-feature ang isang napakatalinong linya na narinig ko
sa telebisyon. Talaga namang sobra-sobra ang kawaisan ng patalastas na ito at lahat tuloy
ng mga tao sa mundo ay nagkaroon ng epiphany.
Dukha[kuno]: Bakit po kami mahirap?
BF: Kasi, wala kayong...[humanda na kayo]PERA.

Oo nga ano. Bakit hindi natin naisip yun? Kung wala pala tayong pera mahirap tayo. Kaya
pala maraming galit sa MMDA e...lalo na dahil sa kulay na pinili nila.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nyahaha!
hnd na yan maaalis!
yang mga pangalan na yan!
Tatak na ata ng PInas!
arggh!

5:31 PM  
Blogger Daphne said...

inspirasyon?

AKO!

At nagpupulitika ka na pala ngayon. wala lang. politics still confuses me.

1:15 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home