PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, March 27, 2007

Dominatrix.

Nakabalik na rin ako sa Pinoy sa wakas. Haaay. Ang tagal noon ha. Pero sa aking pagkawala, napunta ako sa British, German, Japanese tapos Chinese. Kaya medyo natagalan ako. Pesensya na, Bonaks. Dahil hindi naman ako kilala ng karamihan sa mambabasa ko, kung meron man, ibabahagi ko ang isa pang karanasan ko.

Mayroon laing pate sa buhay ng isang tao kung kailan parang natamaan niya na ang sahig ng dagat. [oo, ganun kababa] Sa tingin ko natungtong o yun kamakailan lamang. Feminista ako, pero hindi gaanong halata kasi konti lang ang nakakaalam. Kaya nga ako magmamadre e. Noong mga Marso, muntik na o nang iniwan ang pagiging feminista. Nakakahiya ano? Mahina ang determinasyon ko noon kasi pakiramdam ko noon, kahit ano naman ang gawin ko magpapakatanga pa rin ang mga babae e. Kaya ano pa ang saysay ng pagpipilit ko. Oo. Isang linggo ata akong naging isang nagpapakagagang babae. Pero kahit na nangyari iyon, wala akong hinangaan na lalake. Siguro dahil masyadong maikling oras lang iyon. Normal parin akong makipag-usap noon, na parang galit pa rin ao sa mga lalake. Pero sa totoo, hindi. Siguro noon kapag linigawan ako baka mataas ang posibilidad na umoo ako. [kinilabutan] Buti nalang walang nakahalata noon. Pero paano akong bumalik sa pagiging feminista? Simple lang, pero hindi ko ito irerekumenda sa iba.

Noong may dula kami para sa isang kurso, hiniling ng mga kagrupo ko na mag-dominatrix daw ako, ala Lucy Liu sa Charlie's Angels. Dahil nga hindi na ako feminista noon, umooako ng hindi nag-iisip. Tanga ko talaga. Ang suot ko lang nung dulang iyon ay: corset na may lace, spike choker, itim na gloves na mahaba, fishnet stockings, orange na palda at tulisin na sapatos na may three-inch heels. Mayroon pa akong "latigo" noon at sobrag pulang labi. Nakakadiri ano? Ang nakakagulat dito ay ang mga sinabi ng mga magpaparing[pari] kaklase ko. Sabi nung isa sexy daw tapos yung isa naman humiyaw pa nung tinanggal ko yung trench coat. Bumalik ang pandidiri ko sa mga lalake noon. Hindi ba kapag papasok ka sa seminaryo dapat hindi kang ganyan umasal? Mga lalake talaga. Hindi naman ako sexy e pero dahil maikli ang suot ko ganun na ang reaksyon. Nakakasuka. Pero iyon ang paraan kung paano mo maibabalik ang iyong pagiging feminista. Magsuot ka ng sexy na damit tapos muntikan mong tapakan ang ehem ng isang lalake. [tumapak kasi ako sa pagitan ng hita niya nung nakaupo siya para daw mas nakakatuwa yung dula] Bumalik na ako. At tingin ko mas malakas na ngayon.

Ang aral ng kwentong ito ay: kung gusto mong magasawa at maloko ng mga lalake, huwag kang magsusuot ng sexy na damit at dapat ay wala kang prinsipyo/conservatism kung magsusuot ka nga.




P. S. Hindi ko trinatong nobyo si Neo...isa lang naman siyang laptop e. Pero mayroon pa rin kaming nakaraan. Yun lang.

4 Comments:

Blogger Billycoy said...

huwaaat!? may nakaraan kayo ni neo? ginamitan mo rin ba siya ng dominatriz attire?

1:17 PM  
Anonymous Anonymous said...

Sorry, several mind-bogging images came into my head..been watching too much CSI.

Kahit ako'y nagdamit lalaki at sinabihan ng napakaraming nakakapangilabot na mga bagay, sana naman ay hindi ako ang iyong tinutukoy.

Maraming Salamat.

PS. Patawarin mo na ang magpapari. Hayaan mo na ang Diyos sa kanya.

6:22 PM  
Blogger Daphne said...

Hmmm... one of the reasons you're disgusted with men is because of their reactions when seeing flesh?

Should that really be universally considered a bad thing? For you, it should be, since saying otherwise would make your feminism mere opinion and not something you should "convince" other women of. But I digress.

If you look at it from evolutionary psychology, this kind of mentality makes perfect sense. This simply becomes one tool to drive our species to reproduce, which is one (of two? or only, even) of all evolved beings' "goals" for existence. i.e., the feeling of arousal is good so it encourages male to mate with the opposite sex, in much the same as sex (accordingly! :p) feels good, for people not to stop doing it.

This reaction is actually kind of the same with women's reaction when they hear money clink and/or Ferraris roar, so it's not only about men. There's also a problem with treating this biological impulse as simply cultural/societal circumstance.

11:59 PM  
Anonymous Anonymous said...

|m| rock on_ ang lalim.. haha!

3:29 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home