Iner selp.
Blogger is annoying beyond polite words. I hold them responsible for having only one post for the whole month of February, not that anyone missed me and not that I had anything to write about anyway. SO. Hmmmmm...what do I do right now? [stares blankly at screen for two hours]
[two hours later]
Ayan. Pinoy na ulit. Ganyan talaga katagal bago ko maayos ang aking "language gauge". [Ginamit ko yan para mabuhol mga dila niyo] Siguro pwede kong maibahagi ang isang parte ng araw ko. Dahil isa akong mail na "tao", marami akong kahinaan. Ang isa diyaan ay Coke. Oo, Coke. Hindi yung ilegal na droga ha. Yung sopdrink. Nagaalala na nga ang aking pamilya, mga kaibigan at mga plastik e kasi diabetic ako. E isang ounce ba naman noon e isang malaking kutsara ng asukal. Nakakagulat nga daw na hindi ako mataba sa sobrang pagkonsumo ko ng asukal. Kanina, pamunta ako sa grocery. Atat na atat na nga akong talagang bumili ng dalawang litro nito e. Pero pinigilan ko ang aking sarili. Sabi ko sa sarili ko: "Magpapakamatay ka na nga lang magastos pa. Kapal ng pagmumukha mo.*" At ayon. Hindi ako bumili. Pineapple juice nalang ang binili ko. Maganda na sana ito e kaso medyo may marami-raming tao ang nakarinig sa akin na kinakausap ang aking sarili. Okey lang naman. Hindi naman nila ako kilala e. Ata. Kahit na doon ako lang nagrogrocery. At nagbabati na rin sa akin yung guwardiya doon. Hindi namula ang aking mukha siguro dahil kakaunti lang ang dugo ko at kapag pumunta pa lahat ito sa mukha ko, malamang aagnasin na yung mga hita ko di ba? Kaya ang ginawa ko, inasta ko nalang na walang nakarinig sa akin. Tapos noong magbabayad na ako, yung nasa harapan ko, bumibili ng limag litro nito. Tapos yung nasa likod ko naman, bumubuli ng isang kahon ng lata ng Coke. Mahal talaga ako ng Diyos, dahil parang ganito din ang ginawa niya kay Hesus pero ang pagdurusa ni Hesus ay x 1 000 000 000 000 ng sa akin. Hay buhay. Manunuod na nga lang ng Flushed Away kung may oras.
Ito ang mga tips kung paano mong pwedeng kausapin ang sarili mo sa harap ng maraming tao na hindi nagmumukhang tanga:
1. Idikit mo ang telepono sa iyong mukha o kaya naman ay headset upang magmukhang may kinakausap kang ibang tao kahit na ang pinupuntahan mo ay nagkacut ng signal.
2. Magsuot ka ng damit taong grasa.
3. Magsuot ka ng straight jacket.
4. Lagyan mo ng make-up ang ilalim ng iyong mga mata para mukhang nagdrodroga ka.
5. Magsalita sa ibang lenggwahe para isipin nila na isa kang foranger. Kasi kung isa kang dayuhan, iisipin nilang eccentric ka at hindi topak na kakalabas lang sa mental.
* = sinalin sa salitang Hapon.

1 Comments:
ako naman ang ginagawa ko, binubusalan ko na lang ng mabahong medyas ang bunganga ko... kasi kapag kausap ko sarili ko parang nanay ko... nina-nag ko kasi sarili ko!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home