PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, January 02, 2007

Happy three kings!

Happy holidays!

Alam kong huli na, ipagpaumanhin niyo. Abala kasi akong nagdadasal e. [ubo ubo] Pinagiisipan ko pa rin kung tutungo nga talaga ako sa tamang daan. [tinanggal ang piraso ng lechon sa gitna ng ngipin na galing pang noche buena] Ehem. Sana walang nakamiss sa akin. Kasi kung mayroon man, kung hindi yun baliw, addict o rapist, si God na yun. E hindi pa ako pwedeng kunin ni God kasi kulang pa ang good deeds ko. Hindi ko pa napapapatay ang lahat ng kriminal sa mundong ito. Lalo na yung hey joe na nadeport lang matapos niyang gahasain ang isang Filipina. Dapat siyang dumeretso sa impyerno. Hayaan mo na. Kapag nasa akin na ang kapangyarihan, magaganap na ang apocalypse. Ang problema kasi ay kapag tumungo ako sa tamang daan, ibig-sabihin hindi ko na maaaring sakupin ang buong kalawakan. Malas.


Pero huwag nating tignan ang negatibong aspeto ng buhay. Dahil bagong taon na, ihahandog ko ang isa sa mga nakakasukang pick-up line na dati ko nang narinig ngunit nakalimutan ko at pinaalala ng isang jologs nilalang na walang magawa sa kanyang kaawa-awang buhay. Oo, lalaki siya.

Nilalang: [bonaks], papicture tayo.
Ako: Kasama ka? Huwag na, baka masira yung camera, pabayarin ka pa.
Nilalang: Sige na.
Ako: Bakit ba?
Nilalang: Para madevelop tayo. [sabay kindat]
Ako: [pinipigilan ang sarili sa pagkuha ng kutsilyo at nagbigay na lamang ng pekeng ngiti.]


=Wakas.=



P. S. O di ba? May effort naman kahit papaano. Pakiusap lang, huwag niyo nang gamitin ito lalo na kung mahal niyo talaga yung tao.

4 Comments:

Blogger Billycoy said...

sayang hindi ikaw nakapatay kay saddam, pwede mo na ring puksain si bin laden o kaya si bush na lang.

kadiri yung pickup line!

10:37 AM  
Anonymous Anonymous said...

ikaw talaga ang suplada mo
nagpapacute lang naman yung tao e






tsaka kelan ako naging jologs?!?!

8:05 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ikaw naman...typo lang yun. Nakita mo nga naka-erase di ba? Kumusta ka na nga pala Bonaks2?

7:30 PM  
Anonymous Anonymous said...

Pick-up lines are the worst.


And someone tried to pick you up?


*faints.

9:33 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home