PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Saturday, January 27, 2007

Asphyg.

Paumanhin. Nawala nanaman ako ng pagkatagal-tagal. Mayroon kasi kaming ginawang papel [paper] na ipapasa. Nagsayang lang ako ng oras noong mga break ko, dahil ganun naman talaga ang ginagawa pag ganung oras. Mayroon akong malalim na problema na hindi maabot ng nailcutter ko kaya hindi ako madada kamakailan. Maliban doon, napapadownload ako ng kung anu-anong anime. Ah oo nga, tsaka patuloy ako sa pagguhit ng aking komiks. Siguro kapag natripan ko e ilalagay ko dito.

Sa linggong ito, nakapulot nanaman kami ng isang kuting. Kasing liit lang siya ng dagang makikita mo dito sa syudad ng Maynila, kaya ibig-sabihin, may kaunting kalakihan. Dahil buhay pa siya makalipas ng tatlong araw na kasama ako, ibig-sabihin ay isa siyang demonyong kuting tulad ng una naming napulot. Alam mo yun? Yung mga mahirap patayin na pusa? Ganun. Ngayon naman, ito, galing sa Rockwell. O di ba? Sosyal.

Hindi ko alam kung dahil sa pusang iyon kung bakit bumalik ang insomnia ko pero dahil andito na siya at ayaw kong pagbintangan ang aking pagkain ng junkfood, siya na lang ang sisisihin ko. At dahilan doon, ilalagay ko dito ang isa pang mayabang na linya na para sa mga kalalakihan ngayong valentine's day.


Lalake: [dapat lumakad na taas nuo palapit sa babae] Hello, miss. Alam mo bang mayonnaise ako?
Babae: Huh? [iniisip niya: sino 'tong drug-addict na 'to?]
Lalake: Kasi, ako'y Lady's Choice.


Maari niyo itong gamitin pero may mga kondisyon:
1. Dapat gwapo kayo. Hindi pwedeng cute, pogi, japorms, etc. KAILANGAN TALAGANG GWAPO KA DAPAT KAPAG GAGAMITIN MO ITO.
2. Kailangan hindi madaling uminit ang ulo ng babae.
3. Dapat walang kutsilyo, baril, o kahit anong pwedeng ibato na malapit sa inyo.
4. Kailangan hindi marunong magmartial arts yung babae.
5. Dapat makapal ang mukha mo.
6. Dapat walang nobyo ang babaeng sasabihan mo nito.

Kung hindi mo kaya ang mga kondisyon, ito lang ang kailang mong gawin:
* Kailangan mabilis kang tumakbo.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Naku number 1 and 5 lang yata ang kaya ko, the rest ewan ko na lang.

10:10 PM  
Blogger mr_diaz said...

"Dahil ako ay isang... Bestfoods. I mean Lady's choice."

4:16 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home