PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, January 10, 2007

f-word.

Pinapakinggan ko ngayon ang theme song ng The Fast and the Furious Tokyo Drift. Kung naghahanap ka ng magandang pelikula na mayroong saysay ang istorya, huwag mo nang panoorin ito. Kung naghahanap ka ng nasisirang sasakyan, sparks, atbp, pwede na ito. Ang pangit ng kanta. Wala ring saysay tulad ng pelikula. Siguro tama nga ang aking guro noon. Hindi nga talaga ako intelektwal. Kasi di ba ang mga matatalinong tao mahilig sa mga nakakabobo na panoorin? Yung mga kwentong walang saysay? Oo, inaamin ko, gusto ko ang Spongebob Squarepants, the Simpsons, Bible Dude, Family Guy at My name is Earl. At marami pang iba. Ngunit tignan mo, ang mga matatalino nanunuod ng the Buzz, PBB, PDA, Iglesia ni Kristo vs Ang Dating Daan, Atlantika, CB, SI, atbp. Alam mo yung mga nakakasira ng brain cells? Ganun. Kasi sa sobrang talino nila, kailangan nilang magpakatanga paminsan minsan/lagi. Ako hindi pwede. Kasi kapag sumobra ako, magiging "espesyal" na akong tao na tulo laway o bula sa bibig. Hmmmm...ano nga ba ang mas magandang tignan doon sa dalawa?

Isa sa pinaka ayaw kong vices ng tao ay ang pagmumura. [wow, biglang iba ng usapan ha walang transition] Nakakapikon talaga. Ako nga hindi ako nagmumura e. Mas gugustuhin ko nalang na katayin yung kinagagalitan ko kaysa murahin ko siya. Kaya kapag minura kita, ibig sabihin, hindi na kita mapapatawad, yun ay kung hindi ko naging habit iyon. Para sa akin kasi, parang cheap ang pagmumura. Besides, talk is cheap, di ba? Tsaka mura ay cheap sa Ingles. Imbes na yurakan ko ang pagkatao mo sa pagmumura, babasagin ko nalang ang mukha mo. Kasi pagatapos noon mayroon ka paring dignidad kahit na wala ka nang ngipin at pango na ang ilong mo. Kaya nga andiyaan ang mga tulad ni Belo e para matulungan kayo matapos niyo akong galitin.

Ang pinaka naririnig ko ay ang salitang nag-uumpisa sa F na mas gusto kong tawaging f-word. [wow, creative to the max] Ano nga ba talaga ang ibig-sabihin ng f-word? Sabi ng kaibigan ko noon ang f-word ay pagtatalik. Pero mura ang f-word. Ibig ba sabihin noon ay mura rin ang pagtatalik? Siguro kung sa kalapating mababaw ang lipad oo, pero ang ibig-sabihin ko ay bad word, hindi cheap. Sabi naman ng guro kong PhD, iba daw.

According to my teacher: f-word= For Unlawful Carnal Knowledge.

Does this make sense to you? No? Me neither. Let's move on.

According to Lunc 9: f-word= Fornication Under the Consent of the King.

This makes more sense to me. Kapag pagiisipan mo ng mabuti, ang ibig-sabihin niyan noon panahon ng mga hari at mga lecheng yan, [leche=milk. totoo yun.] pagpapakasal 'yun. Ibig-sabihin, dahil ang f-word ay masama, gayun din ang pagpapakasal. Kung hindi masamang salita ang f-word, hindi rin masama ang pagpapakasal. Ang tawag diyaan sa matematika ay reflexive relationship/whatever.


Kaya ano ito, masama o tama? Hmmmm...

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ayan ka nanaman sa mga nakakaloka mong idea pwede ba wag kang manghawa mamaya ikaw pala ang unang ikakasal jan e...


oi imbita mo ko ha ;) yu ep o ka parin in my eyes

9:46 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home