PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Sunday, January 07, 2007

Noyps.

Ang gulo ng mga tao. Ang daming nagsasabing mukha daw akong Pinay. Tapos may mga isa daw akong espanyol, koreana, hapones tapos may sumunod pa na mukha daw akong timang. Tapos ito ha, nakakaasar, mukha daw akong 'kano?!?! @#$%^&* naman yun. Buti nga wala pang nagsasabing mukha na akong ampalaya kundi ibig sabihin gurang na ako. Sa susunod ang matatanggap ko naman e mukha akong arabo, 'no?

Hinggil sa kaalaman ng nakararami, lalo na sa mga nakakakita sa akin, Chinese ako. Karamihan kundi ang buong pagkatao ko ay Chinese dahil kung hindi, dapat ginamint ko na ang salitang _n_s_k, hindi ba? Nakakinis yung salitang iyon.


Bakit ko tinatalakay ito? Wala lang. Mayroon lang batang nagbebenta ng banana cue kanina noong pauwi ako galing si isang chicken restaurant kung saan hindi kami kumain ng manok. Nakasuot pa ako ng puting T-shirt na nagsasabing: "I bought this lousy shirt in...Vigan".



Bata: Ate, bili na po kayo. Parang awa niyo na.
Ako: [wave hand to signal "no".]
Bata: Sige na ate, maawa po kayo sa pinoy.


=Wakas.=




Heh? Akala ko ba mukha akong Pinay?

5 Comments:

Blogger Billycoy said...

ok na yun, at least hindi pa sinabi sa iyo 'mukha kang tao'

2:34 PM  
Anonymous Anonymous said...

alam mo kung ano ka? yu ep o! (ufo) wag kang maniwala sa mga batang yan!

8:10 PM  
Anonymous Anonymous said...

^ agreed.

If you want a complement, I'd say you're the devil in disguise.

9:26 PM  
Blogger mr_diaz said...

pakita mo na kasi litrato mo at kami na ang huhusga

10:45 PM  
Anonymous Anonymous said...

WAHHHH!!! Dinagdagan niyo pa!!! Wala akong litrato na hindi nakakavirus e. Ano kaya kung magpost nalang ako dito ng drawing sa susunod? Parang gusto kong i-post and comics ko dito. bwahahaha

9:43 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home