Angel. [daw]
Patungo pa rin ako sa "tamang daan" mga kapatid. Kung matalino kayo, susunod kayo sa aking halimbawa at maging mga masusunuring anak ni Satanas Hesus. Ehem. Mayroon talagang diperensiya ang mga daliri ko. Magmula ng tinahak ko ang "tamang daan" ay nawalan na rin daw ako ng sense of sadism humor. Hahaha ganun talaga. Kaya nga maraming bumabagsak sa Values Education hindi ba? Alam mo yung kasabihan na kapag naputol ang rosaryo ang ibig sabihin nito'y kailangan mong bumili ulit ng bago? Sige, hindi nga siya kasabihan pero di ba dapat ganoon naman talaga ang ginagawa kapag nakakain ka ng putik? Magdasal ka sa Diyos upang mawala ang lansa ng tae na nasa bibig mo kasama ang putik.
Ehem. Walang kinalaman ang lahat ng iyan sa nasa utak ko ngayon. May naalala akong masayang alaala [nakakalito ba?] Masaya ako dahil sa natanggap kong isa sa pinaka magandang compliment na nakuha ko matapos ang mahigit [beep] na taon. Kaunaunahang pagkakataon ko lang ito narinig[sa buong buhay ko] mula sa isang taong minalas na makasama ako sa loob ng mahigit isang buwan.
Ganito naguumpisa ang kwento: bilang pagbabago at pagtatakwil sa aking kademonyohan, nagumpisa na akong gumawa ng mga mabubuting bagay [good deeds ika nga] upang mahubog na ako para maging santo sa hinaharap. Kung bakit ko gustong maging santo ay sasabihin ko nalang sa susunod, basta. Sa mabuting gawain kong ito, kinailangan ko ang tulong ng isang kaibigan kung kaya't ipinilit ko siya kundi ay alam niyo na kung anong maaari kong gawin sa kanya. Ito ang sabi niya sa akin pagatapos.
Ako: Thank you. You made her so happy today. Hahaha no really, thanks.
Kaibigan #472: You're an angel...to her.
Ako: [nagtranscend]
Wahahahahah Did you hear that, God? I'm an angel! An ANGEL!!! How'd you like me now?!?!?! [victory dance]
Sige, sapat na ang pagpapahiya ko sa sarili ko. Good night, Lord, mayroon na akong maipapakita sayo sa susunod na pagkikita natin. Sana ngayon hindi mo ako itapon sa impyernoulit.
*[beep] = sabihin nalang nating matagal na matagal na panahon na ito.
P. S. Hindi ito bago. Mabait naman talaga akong tao e. hahahah Oo nga pala, hindi ko plinano na mabigyan ng ganitong compliment ha. Hindi ko nga inaasahang may magsasabi noon sa akin e.
Ehem. Walang kinalaman ang lahat ng iyan sa nasa utak ko ngayon. May naalala akong masayang alaala [nakakalito ba?] Masaya ako dahil sa natanggap kong isa sa pinaka magandang compliment na nakuha ko matapos ang mahigit [beep] na taon. Kaunaunahang pagkakataon ko lang ito narinig[sa buong buhay ko] mula sa isang taong minalas na makasama ako sa loob ng mahigit isang buwan.
Ganito naguumpisa ang kwento: bilang pagbabago at pagtatakwil sa aking kademonyohan, nagumpisa na akong gumawa ng mga mabubuting bagay [good deeds ika nga] upang mahubog na ako para maging santo sa hinaharap. Kung bakit ko gustong maging santo ay sasabihin ko nalang sa susunod, basta. Sa mabuting gawain kong ito, kinailangan ko ang tulong ng isang kaibigan kung kaya't ipinilit ko siya kundi ay alam niyo na kung anong maaari kong gawin sa kanya. Ito ang sabi niya sa akin pagatapos.
Ako: Thank you. You made her so happy today. Hahaha no really, thanks.
Kaibigan #472: You're an angel...to her.
Ako: [nagtranscend]
Wahahahahah Did you hear that, God? I'm an angel! An ANGEL!!! How'd you like me now?!?!?! [victory dance]
Sige, sapat na ang pagpapahiya ko sa sarili ko. Good night, Lord, mayroon na akong maipapakita sayo sa susunod na pagkikita natin. Sana ngayon hindi mo ako itapon sa impyerno
*[beep] = sabihin nalang nating matagal na matagal na panahon na ito.
P. S. Hindi ito bago. Mabait naman talaga akong tao e. hahahah Oo nga pala, hindi ko plinano na mabigyan ng ganitong compliment ha. Hindi ko nga inaasahang may magsasabi noon sa akin e.

2 Comments:
compliment ba yun? kasi sa pagkakaalam ko angel din si lucifer, saka iba pang devil, sila di ba yung mga pinatapon mula sa langit?
sige na nga di na ako kokontra, angel ka na nga
hahahah sinabi niya ba yan at gunpoint? o baka napagkamalan ka nyang ibang tao...
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home