PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, October 03, 2005

Guro sa Matematika.

Pareho kaming:
  1. Mayroong dugong Tsino.
  2. Nakasuot ng salamin.
  3. Marunong magsalita ng wikang Tsino.
  4. Nag-aral din sa isang Paaralang pang-Tsino noong unang panahon.
  5. Naiinis sa isa't-isa.

Ngunit mayroon ring mga pagkakaiba:

  1. Lalake siya.
  2. Singkit siya.
  3. Masyadong masaya ang kanyang aura sa punto na nasisilawan na ako. [Parang Barney ba.]
  4. Parang may hilig sa mga konyong babae na nagsusuot ng seksi na damit.
  5. Medyo parang bakla ang paggalaw niya.

Ang nagustuhan ko sa kanya ay:

  1. Sinisigurado niyang naiintindihan ng mga estudyante niya ang bawat molecule ng topic.
  2. Mahaba ang kanyang pasensya.

Ang ayaw ko sa kanya ay:

  1. Hindi niya ako pinapansin pag ako'y nagrerecite. [Pero pag yung mga konyo, gustung-gusto niya naman.]
  2. Sobrang bagal ng kanyang diskusyon na sa punto na nauunahan ko na siya.
  3. May pagka-mahilig siya sa mga konyo.
  4. Medyo freaky na ang kanyang pagkasigla.
  5. Mayroon siyang mga paborito sa klase. [Oo, hindi ako kasama.]
  6. Sa klase niya lang talaga ako nagmumura, kahit na pabulong.
  7. Wala siyang pakialam kahit na natutulog na ang tatlong estudyante sa harapan niya.
  8. Napapamura ako lagi sa klase niya. [hindi pa naman ako mahilig magmura.]

Mga nakakatuwang impormasyon:

  • Basa lagi ang likod ng kanyang t-shirt kapag siya'y nagdidiskusyon.
  • Mas maliit siya sa akin.



P. S. Hindi ko gaanong nagustuhan ang gurong ito. [Hindi naman gaanong halata no?] Kaya, apat na bituin lang ang ibibigay ko sa kanya.



Kasalukuyang nararamdaman: Pagkabagot HAAAGGGIIIIIII!!!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home