Lunch Block.
Lunc 1: Hindi ko masyadong kilala. Adik sa PS2 (Pusoy Dos). Kalbo. Payat. Tahimik. Sumasakay sa mga biro.
Lunc 2: Pilosopo. Mahilig sa pulitika. Karaniwang sinasabi na hindi magaling sa Matematika ngunit magaling naman talaga. Nakakaaliw ang mga kwento. Paminsan-minsan nakakainis[kasi hindi ko maintindihan]. TagaLa Salle noong hayskul. Nagsuot ng bestida na malobo ang manggas. Adik sa PS2. Medyo sensitibo. Bagay magpari[hahahaha]. Mahilig mangreto, lalo na kung kay Lunc 11.
Lunc 3: Laging bumibili ng donut. Malaki ang ngiti. Adik din sa PS2. Masamang impluwensya kay Lunc 9. Laging nauuna sa mesa[sunod sa akin, syempre].
Lunc 4: Lampa[biro lang.]. Adik din sa PS2. Mayroong braces ngunit sa ibaba lang. May scoliosis rin. May nobyo na(DLSU). Mahilig magtext. Matangkad. Laging nakatsinelas. Malambot ang buhok. Kulay lupa ang buhok. Maganda kapag nakangiti. Mayaman. Nasugatan sa leeg noon. Sariwa galing sa syudad ng Legazpi. Malutong magmura. Ang pangkaraniwang linya ay: "Mahiyain ako; hindi lang halata" [at ako nama'y mataba hahahaha]. Marunong manghula gamit ang baraha. Mala-alumnus na sa tindi ng suporta sa UAAP. Tamad. Nagparebond[relax?].
Lunc 6: Bagong dagdag sa grupo. Kung nais niyong makita ang kanyang paglalarawan, konsultahin lamang ang ilinagay ko sa Eng 25.
Lunc 7: Nakasalamin. Taga Ateneo noong hayskul. Pilosopo. Palabiro. Minsan nakakainis kasi parang iniinsulto ka na. Sensitibo. Di sang-ayon sa mga peminista. Musikero.
Lunc 9: Pagnamumula, puti ang parte kung saan dapat may balabas[hahahaha]. Lapitin ng mga lalake. Napapasigaw kapag nakikiliti. Hindi kumakain ng balat ng manok. Hindi mabubuhay ng walang kanin. Tsinay. Mahaba ang buhok. Nanakawan ng payong. Tsinatsansingan na ngunit hindi pa niya nahahalata. Marunong magsalita ng konyo. Reyna ng PS2. Halos walang tunog ang tawa. Marunong manghula gamit ang baraha. Mala-alumnus na sa tindi ng suporta sa UAAP. Mahilig sa mga linyang tulad ng: "Sure manure". Tamad. Nagparebond[relax?].
Lunc 10: Nabubuhay sa ilusyon na siya ay gwapo[biro lang.]. Sa La Salle naghayskul. Mayroong braces. Lagi kong binabanatan[susubukan na kitang tigilan.]. Adik sa PS2. Bayubot[Biro lang. Heto nanaman ako, paumanhin.]. Nakasalamin. Masayang-masaya na kapag nasabihang gwapo siya. Ang laging sinasabi sa akin e: "You're so mean!". May baklang istoker[hahahaha]. Konyo[Oo no hahaha]. Gulat na gulat noong tinigilan ko siya. Maraming kapansanan. Mayaman.
Lunc 11: Kumain ng footlong gamit ang ilong. Mahilig sa Disney. Magaling kumanta at umarte. Taekwondo chick. Habulin ng mga lalake. Nakasalamin[na nabali.]. Magaling gumaya ng pangdayuhang pagbigkas. Inis na inis sa konyo. Sariwa galing sa lungsod ng Tacloban. Ang laging sinasabi ay: "HAAGGGIIIIII!!!!". Tamad. Mahilig magsulat sa kwaderno. Maganda ang blog. GI. Bagong palayaw: Wishie. Bibo. Maskulado. Marunong manghula gamit ang baraha. Manhid[Oo no hahaha]. Laging lumalaki ang butas ng ilong[hahaha]. Nakakapatay gamit ang PS2[ewan ko kung pano]. Nakawasak ng aking mesa sa eskwelahan.
MH (Martes at Huwebes):
Lunc 5: Masayahin. Magaling sa computer. Mahilig sa mga race karts[hindi po kariton]. Sinasabing ang pagsuot ni Lunc 8 ng t-shirt na may nakasulat na 'Angel' ay ang pinaka malaking balintunaan sa mundo. Magaling sa Ingles at Filipino. Mahal na mahal ang kanyang halaman. Masakit manipa[buti nga hindi ako nabali noon e]. MCR-Helena ang ringtone. Mahilig magpalda at magpink. Mayroon ding pagkabaliw.
Lunc 8: Maskulado[hahahaha]. Maayos ang pagkagulo ng buhok. Lagi akong pinapagtripan. Mabilis at malakas kumain. Nandidiri rin sa konyo. Hindi gaanong nagsasalita. May perpektong kapareha daw[ayon sa baraha] ngunit ayaw niya namang sabihin.
P. S. Kung nagustuhan niyo ang mga isinulat ko dito, sabihin lang sa akin. Gagawin ko yang testi niyo sa Friendster.
Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home