English & Literature Block.
Pagpasensyahan niyo na lang at medyo may kahabaan ang mga ito. Paano ba naman, e tatlumput-tatlo(33) ang ilalarawan kong mga nilalang. Sana’y mayroon kayong pasensya upang basahin ito hanggang sa kahulihulihang titik. Dalawang pahina din ang haba nito.
Eng 1: Musikera. Palakaibigan. Inglesera kapag harap-harapan ngunit Pinoy ang wika sa Messenger. Parang laging malungkot ang status sa messenger. In-lab. Fashionista. Tinaguriang isa sa pinaka seksi sa klase. Kadalasang nakasuot ng itim. Isang beses ko lang nakitang naka-lipstick. Minsa'y malutong magmura. Kumplikado ang lablayf. Kumakanta sa klase ng malakas. Laging nakasuot ng mga damit na madidilim.
Eng 2*: Nobelista. Mahilig sa mga gawa ng Disney. Mahilig sa anime(lalo na ang Naruto). Seryoso sa Taekwondo. Payat. Mahilig sa Matematika. Medyo tahimik. Nakasalamin. Tinaguriang pinaka sweet na lalake sa klase. Nasipa sa mukha ng isang Koriyano. Adik sa FF10 at mga larong RPG. Kumplikado ang lablayf. Hindi na naglalagay ng bagong teksto sa kanyang blog. Nasa Filipino for foreigners pero magaling namang magsalita ng Tagalog. Mahilig sa mga t-shirts ng Spoofs Ltd. Kaklase ko sa mga PE ko.
Eng 3*: Tinaguriang pinaka seksing babae sa klase. Inglesera. Kahumahumalig (sabi ng mga lalake). Nakamamatay. Payat. Tahimik. Kaklase sa halos lahat ng subject maliban na lang sa Matematika at sa Agham.
Eng 4: Tahimik. Nakakapansin ng mga taong medyo may kalayuan. Hindi ko masyadong makilala kapag nakatali ang buhok. Cute. Kaibigan si Lunc 9. Nagyoyosi(daw).
Eng 5*: Komidyante. Masipag. Laging mukhang pagod. Singkit. Laging nagdadala ng maraming gamit. Magaling na manunulat. Tinaguriang pinaka nakakatawa at pinaka matalinong lalake sa klase. Marunong umarte. Komidyante.
Eng 6: Nakasalamin. Palakaibigan. Mahilig magbiro. May kaunting kadaldalan. Loko-loko. Tinaguriang isa sa pinaka malapit sa mga babae. Laging nakasuot ng earphones na puti. Kaklase lamang sa Lit. Nansosolo ng meryenda[kahit na di kanya]
Eng 7: Tahimik. Laging kasama si Eng 31. Maganda ang sulat. Nagbibigay ng papel kung wala kang papel. Nagtatanong ng buod ng mga kwento ng Lit. Laging nagdadala ng malaking bag sa klase.
Eng 8: Kulang ang aircon; dapat may kasamang electric fan. Mahilig malamang sa gatas. Payat. Kinukumpirma kung tama nga ang pagkakaintindi niya sa takdang-aralin.
Eng 9: Nakausap lang ng masinsinan noong orientation. Masayahin. Kakaiba ang istilo ng buhok(patusok). Tsino/Tsinoy(hindi ako sigurado e). Singkit. May kaunting kaingayan. Kakaibang magpaliwanag ng punto.
Eng 10: Handang-handa sa mundo ng kalakalan. Laging nagpopost sa groups. Medyo mahiyain. Laging kasama si Eng 9. Singkit. Nagdadala ng almusal sa klase. Tsinay. Mahina ang boses. May nobyo na.
Eng 11: Biglang sisigaw ng komento kung kailan hindi mo inaasahan. Malapit kay Eng 1, 20 at 13. Mahilig sa anime. Nagsusuot ng tsinelas sa paaralan kahit na nakapantalon. Laging nakasimangot pag pasok sa klase. Hindi nagsusuot ng shorts. Tinaguriang pinaka kakaiba, maingay, katok at katakot-takot ng mga kababaihang aking nakapanayam. Tsinoy. Magaling gumuhit(daw). Nakasalamin. Laging absent. Mura ng mura. Hindi ko na makilala noong nagpagupit. May nobya na(AdMU). Napadapa noong orientation. Di magaling magkwento. Karaniwang obscene ang paglalahad ng ideya.
Eng 12*: Mahilig kumuha ng mga litrato. Tinaguriang isa sa pinakamaganda sa klase. Nakasalamin. Pareho kami ng laptop at halos pareho ang modelo ng digicam. Laging kasama sina Eng 8 at 22. Medyo may pagka-fashonista. Kasama sa tropa ng mga aktres ng eskwelahan. Malamang maganda ang boses.
Eng 13: Masyadong inaalala ang lablayf. Tinaguriang isa sa mga pinakamahiyain sa klase. In-lab na in-lab kay Eng 26. Mahilig mag-conference. Maraming nagbabasa sa kanyang blog. Nagpapasalin ng mga salitang Filipino sa Chinese. Nakasalamin. Adik sa DotA. Laging nagpapangako sa kanyang blog na magbabago na siya ngunit nakakaduda. Ngiti ng ngiti. Nagpangakong magpapapayat.
Eng 14*: Atleta. Magaling sa Pisika. Nakasalamin. Pantay-suklay. Palakaibigan. Nagpapasalin ng mga salitang Filipino sa Chinese. Ayon sa ibang mga babae, nakakatakot kapag galit. Spoiler. Nakakatuwa. Tinaguriang isa sa pinaka seksing lalake sa klase. Inakusahan akong rapist noong kinuhanan ko ng litrato ang aming guro[hindi kasi ako nagpaalam]. Malayang nagbibigay ng opinyon[sa akin]. Iskolar. Maganda ang pangalawang pangalan.
Eng 15: Kasama sa gobyerno ng paaralan. Mahilig sa anime, mga anghel, pusa, pink, atbp. Marunong magsalita ng konyo. Magaling manghula sa pagsusulit. Mapangalaga sa grado. Nakasalamin. Medyo singkit at cute. Marunong manghula gamit ang baraha. Sweet. Lagi kong kasama sa group work. Laging nakangiti. Inalokan akong irecopy ang aking ginuhit.
Eng 16: Tahimik. Medyo malapit sa guro ng Lit. Tsinay. Singkit. Mahilig sa repolyo at sorbetes. Hindi magarang manamit. Lagi kong kasama sa mga group work. Masipag maghanap sa silid-aklatan. Magaling gumuhit. Inglesera. Hindi nangangati sa kanyang bangs. Nakakagulat kapag sumisigaw.
Eng 17: Tahimik. Fashionista. Madalas ko ring nakikita pagatapos ng aking klase sa Taekwondo. Hindi magaling umarte. Singkit. Matangkad. Payat.
Eng 18: Kikay. Medyo seksi ang mga damit. Ipinapares kay Eng 14 dahil sila’y magkatabi. Palakaibigan. Magaling sa pag krikritisismo. Medyo may kahinaan ang boses.
Eng 19: Medyo tahimik. Ka-apelyido. Magandang kausap. Singkit. Marunong magsalita ng Chinese. Simpleng manamit. Tinaguriang isa sa pinakamaganda sa klase. Mapangalaga sa grado. Kadalasang may ginagawa. Diretso ang buhok.
Eng 20: Tahimik. Kadalasang kasama si Eng 11 at 13. Mahina ang boses. Naglalaro rin ng AOM. Madaldal lamang sa Messenger. Nanghihikayat na lumipat ako sa kurso nila. Mahinang magbigay ng rebuttal speech.
Eng 21: Laging nakangiti. May taglay na nasyonalismo. Inglesera. Madalas kasama ni Eng 3. Mahilig sa kulay pink. Nakasalamin. Seryoso sa debate. Kapag mag-costume, todo bigay(may kasama pang filter ng sigarilyo ngunit hindi nagyoyosi).
Eng 22: Malaki ang mga mata. Cute. Mayroong nobyo. Nagkukumpirma kung tama ang pagkakaintindi sa takdang-aralin sa Lit. Binigyan ako ng Nips noong kami’y nagrerehistro. Mukhang seryoso din sa Taekwondo. May nobyo na(AdMU).
Eng 23: Sobrang tahimik. Singkit. Narinig ko lang ang boses noong nagpasalamat siya dahil ako ang nagsara ng pinto para sa kanya. Malamang marunong din mag-Chinese.
Eng 24: Mahilig sa Matematika at Pulitiko. Pilosopo. Maraming nagbabasa ng kanyang blog. Tinaguriang isa sa pinaka palakaibigan sa klase. Nakasalamin. Medyo mahina rin sa Filipino. Medyo may pagka-Inglesero. Bampira. May insomnia. Kumplikado ang lablayf.
Eng 25*: Ang tinaguriang pating na nakasuot ng rosas(dahil sa kanyang likas na galing sa debate at rosas na relos). Nakasalamin. Kulay kape na may cream ang buhok. Pilosopo. Kadalasang nakapalda. Aliw na aliw noong ako’y nagpalda. Maka-Diyos. Makatao. Palakaibigan. May nobyo na(XS). Karaniwang nakangiti. Laging tumatambay sa silid-aklatan. Makata. Makulay manamit. Magaling na manunulat at kritiko. Mahilig kumuha ng litrato. Mahilig sa mga kulay na pink at orange. Malamang mahilig rin sa pusa. Artistiko. Doble doble ang talaarawan.
Eng 26: Tinaguriang pinakamaganda sa klase. Matulungin. Masipag. Laging nakangiti. Singkit. Marunong mag-Chinese. Palakaibigan. Hinahabol ni Eng 13, atbp. Sikat na sikat sa mga kalalakihan.
Eng 27: Mayroong stage fright. Mahina ang boses. Payat. Medyo malaki ang mga mata. Laging kasama sina Eng 33 at 23.
Eng 28: Salamangkero. Tinaguriang pinaka gwapo at pinaka palakaibigan sa klase. Kaapelyido ko. May istoker(na aksidente kong napaalis). Dinukutan ng mga gamit sa locker. Singkit. Magaling sa mga sandata. Musikero. Magaling na manunulat. Tsinoy. Patay na patay sa gitara. Gitarista. Kadalasang hinihingalo pag pasok sa klase. Adik sa kape. Laging nagrerecite. Maganda ang sulat. Nakakaaliw ang blog. Madaling mapansin dahil sa kanyang neon na t-shirt. Marunong magsalita ng konyo. Di ko pa nakitang magsuot ng shorts o tsinelas. Pinaka unang nakita kong nadapa sa loob ng silid-aralan. May nobya na(UST). Dapat hindi paghiraman ng CD[baka may virus e].
Eng 29: Cute. Laging kasama si Eng 32. Malakas ang boses. Palakaibigan. Kakaiba ang pangalan. Iisa lang ang istilo ng buhok. Medyo may kalakihan ang mata. Naka-braces. Iskolar.
Eng 30*: Sobrang mapangalaga sa grado. Alam ang siyang tanging kinaiinisan ng guro sa Ingles 11. Magaling na manunulat. Laging kasama sa mga group work. Medyo singkit. Half Belgian. Magaling sa Pisika. OC. May nobyo na(UST). Nakasalamin(minsan). Lagi kong kausap pag pasok sa klase. Magaling makipagdebate. Mahilig rin sa aso. Inakala ko noon na hinahangaan ni Eng 13(pero hindi pala). Kasama ko patungong canteen. Iskolar. Ang daling makahalata ng bagong gupit.
Eng 31: Laging kasama si Eng 7. Fashionista. Naaaliw sa mga salamin ko. Mahaba ang buhok(hanggang baywang). Kinomentohan na mukhang anghel. Isa sa pinakamagagandang babae sa klase. Palakaibigan. Cute. Ginamit ang kalesa bilang halimbawa para sa debate tungkol sa pederalismo. Malambot ang mga mapulang pisngi.
Eng 32:
Eng 33: Tiga Nueva Viscaya(ka-rehiyon!!!). Magaling makipagdebate. Nakakatuwang magbigay ng talumpati. Naka-contact lens na asul. Mayroong kaunting stage fright. Komidyante.
P. S. Ang mga mayroong asterisk (*) ay mga ka-block ko rin sa ibang subject. Linagyan ko na rin ng link ang iba dahil sobrang halata naman na kung sino sila. Ang iba, bahala nalang kayong manghula. Kung natukoy niyo na ang numerong ibinigay ko sa inyo at kung nagustuhan niyo ang paglalarawan ko, ilalagay ko yan bilang testi niyo sa Friendster. Mangomento lang kayo, gusto ko ring malinawan sa mga bagay-bagay. Salamat. ![]()
Kasalukuyang nararamdaman: Nasusuka [dahil sa sakit ng mata]
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home