Rexona.
Mayroong babaeng nakapanloob lamang(bra & panty) na lumapit sa amin noong pagatapos ng aming klase sa PE.
Borlesk: May deodorant ka?
Ako: Ano po? [di ko ata narinig ng mabuti ang sinabi niya]
Borlesk: May deodorant ka?
Ako: Um...wala po. [Kung sinabi kong meron, sa tingin mo papahiram ko?]
Borlesk: Ah, o sige. *tinanong ang ibang mga babae sa banyo.*
=Wakas.=
Borlesk: May deodorant ka?
Ako: Ano po? [di ko ata narinig ng mabuti ang sinabi niya]
Borlesk: May deodorant ka?
Ako: Um...wala po. [Kung sinabi kong meron, sa tingin mo papahiram ko?]
Borlesk: Ah, o sige. *tinanong ang ibang mga babae sa banyo.*
=Wakas.=
Pakiusap, huwag niyong irason na maaaring spray ang kanyang tinutukoy, dahil hindi naman ito ang karaniwang ginagamit ng nakararami ngayon.
P. S. Kanina naganap ang aming tournament sa Taekwondo kung saan ipinagsabong kami ng parang mga tandang. Maraming nakakagulat na pangyayari sa araw na ito, kung inaasahan niyong ikukwento ko, pwes, malamang mga dalawang buwan pa bago mapanis ang mga detalye; sa haba ng palugid na iyon, sigrado akong makakalimutan niyo na rin naman ang sinabi kong ito. Mga importanteng detalye: Ang katunggali ko ay asul ang sinturon na noo'y modelo ng patalastas ng Close Up.
Kasalukuyang nararamdaman: Gutom
.

1 Comments:
wait a minute, kapeng barako! female of the species ka ba? kala ko lalaki ka! hahahahha. o lalaki ka nga talaga at swerte ka lang at may mga naglalakad ng mga babaeng naka underwear?! :D
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home