PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Wednesday, September 28, 2005

Guro sa Ingles.

Sa kadahilanan na malapit na ang Oktubre--ang pagpapahinga ng mga estudyante sa nakaraang semestre, at ngayon ang feast day ni Confucius-ang magaling na pilosopo ng mga taga-Tsina, naisipan kong ilarawan sa mga mambabasa[kung mayroon man] o mga napadpad sa aking blog, ang aking mga guro dahil magpapalit[ayon sa mga tsismis] nanaman kami ng mga ito sa pangalawang semestre.

[Inayos ko ang mga ito ayon sa iskedyul ng aking klase.]


Pareho kaming:

  1. Nakasuot ng salamin.
  2. Mahilig sa kulay na itim.
  3. Malaki ang mata.
  4. May dugong Tsino.
  5. Istiryotipiko.
  6. Ayaw magpakuha ng litrato.
  7. Istilo ng pagtuturo.

Ngunit mayroon ring mga pagkakaiba:

  1. Siya’y lalake.
  2. Masculinist siya at ako nama’y feminist.
  3. Magaling siyang magsulat ng mga artikulo.
  4. Adik siya sa kape at minsa’y tsaa.
  5. Ayaw niyang makakita ng mga gadget dahil maiinggit daw siya.
  6. Mas mahal niya ang kanyang dugong Pinoy.
  7. Siya’y nakasuot ng braces.
  8. Hindi siya mahilig gumamit ng Euphemisms.
  9. Malalim siyang mag-isip.
  10. Inglesero siya.

Ang nagustuhan ko sa kanya ay:

  1. Para siyang kaibigan ng mga estudyante niya(ang ilan lamang).
  2. Malalim siyang mag-isip.
  3. Inaamin niya ang kanyang mga pagkakamali.
  4. Mayroon din siyang kahinaan na alam namin ni Eng 30.
  5. Mayroong saysay ang mga pinagsasabi niya sa klase.
  6. Binigyan niya ako ng B na grado kahit na pangit ang pagsulat ko. [Salamat po!]
  7. Nakakaaliw ang mga kwento niya.
  8. Mabango ang kapeng dinadala niya sa silid-aralan.
  9. Binabalaan kami kung boring ang paksa upang maihanda namin ang aming sarili sa pagtulog(biro lang!).

Ang ayaw ko sa kanya ay:

  1. Hindi niya masabi ng diretso kung ano ang mali sa aking mga pinagsusulat.
  2. Nakakatakot ang tasa ng kape na hawak niya habang diskusyon; lalo na kung parang matatapunan ka na ng kape.
  3. Nagbibigay siya ng emergency assignments.

Mga nakakatuwang impormasyon:

  • Lagi siyang nakasuot ng mga damit na madilim ang kulay.
  • Ang manggas ng mga sinusuot niya ay laging mahaba.
  • Kakatapos niya lang kolehiyo noong nakaraang school year.
  • Ang kanyang pangalan ay tulad sa isang sikat na mamumuno sa Italya.
  • Mayroon siyang Naruto na bag na galing Comic Alley.






P. S. Para sa akin, okey na okey ang gurong ito!!! Walo’t kalahating bituin sa sampu! [Huwag niyo nang asahang ilalagay ko pa dito ang mga bituin sa YM ha...mahirap gawing kalahati ang GIF na file!!!] Sa mga humahanga sa kanya, ako ang isa sa kakaunting tunay na nakakuha ng litrato niya na malapit. [Oo, nakikita yung mukha!]




Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak Kulit mo! Sabi na ngang hindi ko alam e!!!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home