PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Sunday, October 02, 2005

Guro sa Pisika.

Parehong kaming:

  1. Nakasuot ng salamin.
  2. Takot sa contact lenses.
  3. Mahilig sa drama.
  4. Mahilig sa wika.
  5. Naiinis sa ingay.

Ngunit mayroon ring mga pagkakaiba:

  1. Mahal niya ang Pisika.
  2. Mahal niya ang Matematika.
  3. Lalake siya.
  4. Paminsan-minsa’y nagsasalita ng konyo kahit na nasa klase.
  5. Medyo mas malapad siya sa akin.
  6. Malalim siyang mag-isip.
  7. Propesyonal siya sa konyong pananalita.

Ang nagustuhan ko sa kanya ay:

  1. Pilosopo siya.
  2. Magaling siya sa maraming bagay.
  3. Mahilig siya sa science fiction.
  4. Magaganda ang mga kwento niya. (Nakakatuwa.)
  5. Malalim siyang mag-isip.
  6. Nagbibigay siya ng libreng oras kapag siya’y nasa gitna ng trapiko.
  7. Magaling siya sa maraming wika.

Ang ayaw ko sa kanya ay:

  1. Mahirap ang mga pagsusulit na ibinibigay niya sa klase.
  2. Linggu-linggo siyang humihingi ng lab reports.
  3. Mataas ang kanyang mga ekspektasyon sa mga estudyante.
  4. Uma-alis siya kapag naiingayan siya sa klase.

Mga nakakatuwang impormasyon:

  • Siya’y pupunta sa timog ng Africa upang ireprisenta ang Pilipinas para sa World Year of Physics.
  • Lagi siyang nakaputing t-shirt. [Skin asthma daw.]
  • Ang kanyang mga interes ay: Pisika, wika, kasaysayan, Pisika, literatura, paglilibut ng mundo, Pisika, musika, Matematika, Pisika, Pilosopiya, Pisika at Pisika. Oo nga pala, nabanggit ko ba ang Pisika?




P. S. Okey ang prof na ito! Walong bituin!!!





Kasalukuyang nararamdaman: Pagkapikon @#$%^&* na Trojans!!!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home