PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Thursday, September 29, 2005

Guro sa Literatura.

Pareho kaming:

  1. Nabubulol kapag nasa harap ng maraming tao.
  2. Ayaw ng ingay.

Ngunit mayroon ring mga pagkakaiba:

  1. Siya’y lalake.
  2. Malalim siyang mag-isip.
  3. Wala siyang salamin. [Di ko pa siya nakitang magsuot.]

Ang nagustuhan ko sa kanya ay:

  1. Hina-highlight niya ang mga importanteng detalye sa kanyang handout.
  2. Nagbibigay siya ng libreng oras kapag masama ang pakiramdam niya.
  3. Malalim siyang mag-isip.
  4. Lagi siyang naka-polo. [O di ba? Maayos manamit!]
  5. Mahilig magpapanood ng mga pelikula.
  6. Binigyan niya ako ng B kahit na mababa ang mga pagsusulit ko. [Salamat po!]

Ang ayaw ko sa kanya ay:

  1. Lagi siyang nagbibigay ng pagsusulit.
  2. Mahirap ang mga pagsusulit niya.
  3. Bigla na lang siyang sisimangot.

Mga nakakatuwang impormasyon:

  • Nanalo siya nilang Crush ng Bayan laban sa ibang mga guro.
  • Pang-Sesame Street ang kanyang pangalan.


P. S. Okey ang gurong ito! Pitong bituin!



Kasalukuyang nararamdaman: Naiiyak *sniffsniff*.

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ayos ah.. :) malaki nga tlga pagkaka iba nyo.,. lol

6:05 PM  
Anonymous Anonymous said...

ayos ah.. :) malaki nga tlga pagkaka iba nyo.,. lol

6:05 PM  
Anonymous Anonymous said...

hahahaha anong name nya? big bird?

8:07 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home