PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Tuesday, August 09, 2005

Footlong.

Kapag hahamunin mo ang iyong kaibigan sa isang paligsahan na may kinalaman sa pabilisan ng pagkain, lalo na sa pagkain ng footlong, mas epektibo kung susundin mo ang mga panukalang ito:
  1. Huwag tignan ang katunggali habang ika'y kumakain.
  2. Huwag isipin na mauuna ka kahit na talagang nangunguna ka na.
  3. Huwag pansinin ang iba mong kaibigan na tumatawa na dahil sa itsura mo.
  4. Huwag magmadilang lumunok dahil masasamid ka lamang.
  5. Laging ilagay malapit sa iyo ang tubig.
  6. Huwag tawa ng tawa.
  7. Huwag kausapin ang mga kasamahan mo sa mesa.
  8. Huwag malaki ang kagat.
  9. Huwag pansinin ang kaibigang kumukuha ng iyong litrato.
  10. Mas mainam na idaan ang footlong sa iyong ilong dahil mas mabilis ito. (Ito ang pinaka mahalaga sa lahat, hindi ba, Wishy?)

Yan lang muna sa ngayon...hintayin nalang ang mga susunod na payo na darating.



P. S. May ilalagay sana akong litrato dito ngunit hinihintay ko pa ang permiso ng nasa larawan. Ilalagay ko nalang siguro sa susunod kong pag-aakma.



Kasalukuyang nararamdaman: Pagka-busog .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home