Bonaks Public Service 2.0.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang karamihan sa inyo ay nagsasabi ng "Happy 090909!" Hindi naman ito malaking okasyon. Talaga lang bang lahat ay gusto niyong ipagdiwang? Ang labo niyo. Kahit kailan naman ay hindi nakitang swerte ang numerong siyam (9). Bakit parang sobrang ginagalak kayo sa ganitong araw? Tapos tumapat pa sa Miyerkules. Gitna pa ito ng linggo! Naku naman, mga bata. Aba'y sigur kapag nakakita kayo ng paruparu na kulay bughaw, pula at dilaw e magpipiyesta na kayo. Unahin muna natin ang mga importanteng bagay, mga bata. Ngayon, dahil ipinagbawal ko munang magsulat dito si Bonaks2 dahil sa kanyang mga komento tungkol sa mga Tsino, ako muna ang masusulat para sa buong buwan ng Setyembre.
Tulad ng sabi sa titolo, Public Service ito. Kung kaya't magbibigay nanaman tayo ng payo. Ngayon ay swinerte ako dahil maayos ang nagsulat sa amin ngayon.
Dear Bonaks,
I am currently inside a coffin, buried 3-6 feet into the ground somewhere outside of Hiroshima. I know it's crazy and very much like those soaps you probably watch on TV, but this is happening to me right now. I don't know what to do. I'm scared and I think the bottom part just gave way to the weight of the soil. I can't feel my feet anymore. Actually, I can't feel my left arm either because some Yakuza members already broke it beyond repair. I'm sending this to you by e-mail. Surprisingly, there's a WiFi signal here. I'm not really sure about how I got into this situation. All I know is that my really hot girlfriend turned out to be the Yakuza boss' really hot young wife. Who is also his own sister, by the way. He found out and things got really messy. My really hot now ex-girlfriendis safe because she pinned all the blame on me and now I'm here, panicking, nibbling my last Kimchi stick and thinking hard about what to do given that my battery is about to die. Please give me some advice. I've never been buried alive before.
Ang Payo ni Bonaks1:
Dear mypeperoisbiggerthanyourpocky,
Kumusta!Hindi ako nanunuod ng telenobela no Naku, mahirap nga naman talaga ang sitwasyon mo ano? Huwag kang mag-alala. Sinubukan na rin akong ilibing ng ilang beses. Kadalasan, kung sa sementeryo ka sinubukang ilibing ng buhay, mas maganda dahil mas madali kang mahanap dahil madaling mapansin ang lupang kakabungkal lang.Kung tutuusin, mas swinerte ka pa dahil pwede ang iyong telepono kahit na nakabaon ka na sa lupa.
Ngayon, ano ang pwede mong gawin?
1. Tawagan mo ang pulis. O kahit ng ang kaibigan mo. Mas mainam kung sasabihin mo kung nasaan ka ngayon.
2. Magisip ng mga nakakakalma na ideya. Tulad ng dagat o sale sa mga libro at pagmumuni-muni ni Gabriel Marcel.
3. Huwag sayangin ang baterya ng iyong telepono para sa katarantaduhan.
4. Magdasal sa Diyos. Sa totoo lang, siya lang ang makakatulong sayo ngayon.
5. Buksan ang iyong GPS. Makakatulong ito upang mahanap ka ng mga tinawagan mo.
Ano ang dapat hindi mo gawin?
1. Huwag matakot. Ang takot mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
2. Huwag kumain ng maanghang. Ang pagkauhaw mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
3. Huwag kang magluto ng Kimchi. Mahihirapan kang humiga.
4. Huwag mong susubukang buhatin ang takip ng kabaong. Hindi mo ito kaya. Hindi ikaw si Darna.
5. Huwag kang maglaro ng Counter Strike. Ang kasabikan mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
6. Huwag kang magdasal kay Batman. Hindi siya Diyos.
7. Huwag kang magbasketball. Ang paghihingal mo ang tatapos sayo.
8. Huwag mong ibalanse ang iyong mga tseke. Mamamatay ka na rin lang, ipagawa mo na ito sa iyong accountant.
9. Huwag mong ipinta si Mona Lisa. Malakas ang amoy ng pintura at hindi ka makakahinga. At madilim Hindi rin maganda ang kalalabasan ng pinintura mo.
Iyan ang mga payo ko sayo. Sana nawa'y pagpalain ka ng Diyos at payagan kang makalabas sa problemang ito ng buhay. Oo nga pala, kung sinunod mo ang payo ko, maaari ka pang makalabas jan ng buhay makalipas ng tatlumpung (30) minuto ng iyong pagkalibing---yun ay kung hindi pa bumigay ang kabaong sa bigat ng lupang nakapatong dito. Kadalasan kasi ay hindi kinakaya ng kabaong ang bigat ng lupa, lalo na kung inilibing ka ng buhay kasi siguradong hindi gagastos ng malaki sa magandang kabaong ang nagbaon sayo kung ang layunin niya ay patayin ka. Kung nagpanik ka naman, tingin ko hanggang sampung (10) minuto ka na lang. Sa uulitin, Anyong!
Kung gusto mo ng payo para sa iyong mabigat na problema, mag-email lamang sa panis.si.bonaks@gmail.com. Hindi namin maipapangakong makakasagot kami ng tama, pero sasagot kami.
Tulad ng sabi sa titolo, Public Service ito. Kung kaya't magbibigay nanaman tayo ng payo. Ngayon ay swinerte ako dahil maayos ang nagsulat sa amin ngayon.
Dear Bonaks,
I am currently inside a coffin, buried 3-6 feet into the ground somewhere outside of Hiroshima. I know it's crazy and very much like those soaps you probably watch on TV, but this is happening to me right now. I don't know what to do. I'm scared and I think the bottom part just gave way to the weight of the soil. I can't feel my feet anymore. Actually, I can't feel my left arm either because some Yakuza members already broke it beyond repair. I'm sending this to you by e-mail. Surprisingly, there's a WiFi signal here. I'm not really sure about how I got into this situation. All I know is that my really hot girlfriend turned out to be the Yakuza boss' really hot young wife. Who is also his own sister, by the way. He found out and things got really messy. My really hot now ex-girlfriendis safe because she pinned all the blame on me and now I'm here, panicking, nibbling my last Kimchi stick and thinking hard about what to do given that my battery is about to die. Please give me some advice. I've never been buried alive before.
Yours truly,
mypeperoisbiggerthanyourpocky@yahoo.co.kr
mypeperoisbiggerthanyourpocky@yahoo.co.kr
Ang Payo ni Bonaks1:
Dear mypeperoisbiggerthanyourpocky,
Kumusta!
Ngayon, ano ang pwede mong gawin?
1. Tawagan mo ang pulis. O kahit ng ang kaibigan mo. Mas mainam kung sasabihin mo kung nasaan ka ngayon.
2. Magisip ng mga nakakakalma na ideya. Tulad ng dagat o sale sa mga libro at pagmumuni-muni ni Gabriel Marcel.
3. Huwag sayangin ang baterya ng iyong telepono para sa katarantaduhan.
4. Magdasal sa Diyos. Sa totoo lang, siya lang ang makakatulong sayo ngayon.
5. Buksan ang iyong GPS. Makakatulong ito upang mahanap ka ng mga tinawagan mo.
Ano ang dapat hindi mo gawin?
1. Huwag matakot. Ang takot mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
2. Huwag kumain ng maanghang. Ang pagkauhaw mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
3. Huwag kang magluto ng Kimchi. Mahihirapan kang humiga.
4. Huwag mong susubukang buhatin ang takip ng kabaong. Hindi mo ito kaya. Hindi ikaw si Darna.
5. Huwag kang maglaro ng Counter Strike. Ang kasabikan mo ang maguudyok sayo upang huminga ng sobra at maubusan ng oxygen.
6. Huwag kang magdasal kay Batman. Hindi siya Diyos.
7. Huwag kang magbasketball. Ang paghihingal mo ang tatapos sayo.
8. Huwag mong ibalanse ang iyong mga tseke. Mamamatay ka na rin lang, ipagawa mo na ito sa iyong accountant.
9. Huwag mong ipinta si Mona Lisa. Malakas ang amoy ng pintura at hindi ka makakahinga. At madilim Hindi rin maganda ang kalalabasan ng pinintura mo.
Iyan ang mga payo ko sayo. Sana nawa'y pagpalain ka ng Diyos at payagan kang makalabas sa problemang ito ng buhay. Oo nga pala, kung sinunod mo ang payo ko, maaari ka pang makalabas jan ng buhay makalipas ng tatlumpung (30) minuto ng iyong pagkalibing---yun ay kung hindi pa bumigay ang kabaong sa bigat ng lupang nakapatong dito. Kadalasan kasi ay hindi kinakaya ng kabaong ang bigat ng lupa, lalo na kung inilibing ka ng buhay kasi siguradong hindi gagastos ng malaki sa magandang kabaong ang nagbaon sayo kung ang layunin niya ay patayin ka. Kung nagpanik ka naman, tingin ko hanggang sampung (10) minuto ka na lang. Sa uulitin, Anyong!
Kung gusto mo ng payo para sa iyong mabigat na problema, mag-email lamang sa panis.si.bonaks@gmail.com. Hindi namin maipapangakong makakasagot kami ng tama, pero sasagot kami.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home