PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, November 20, 2006

Filosofi.

Isang leksyon tungkol sa Pilisopiya. Sa totoo lang, noong bata pa ako, hindi na talaga maayos ang pagtakbo ng utak ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang masama pa dito'y patuloy akong napapagiliran ng mga matatalinong tao. Pero ganyan talaga ang tsokolate. Kung lasang ampalaya, hindi na dapat ito kainin. Gayon din sa mga bading. Kung alam mo nang isa siyang badinggerzi, sa kanya ka magpaayos bago ka pumunta sa party.

Noong bata ako at akala ko'y matalino pa ako, mayroon akong isang matandang guro na medyo may sira sa tuktok. Binigyan niya ako ng isang komplikadong problema sa Matematika:

Si Mr Cruz at si Mrs Cruz ay nagkaroon ng anim na anak. Ngunit noong tumagal, may masasamang nangyari. Ang isa ay namatay, nagpakamatay, hinimatay, nakapatay, kakamatay at pumatay. Ilan ang anak na naiwan kina Mr at Mrs Cruz?


A. 6
B. 3
C. 10
D. Hindi tiyak.


Kung ang sagot mo ay letrang B, ang ibig sabihin nito'y bobo ka daw. B as in bobo. Kung yung A at C, kasing talino mo ang mga singe-celled plants. Ang tamang sagot ay D. Bakit? Dahil hindi mo daw alam kung ang parehong pares ng Cruz ang hinihingi sa tanong.


Lekyon sa Pilosopiya: Everything is relative o sa Pinoy, lahat ay magkakamag-anak.





P. S. Ito ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Amen.

1 Comments:

Blogger Billycoy said...

Hmm, kunsabagay, baka nga magkapatid lang yung sina Mr. and Mrs Cruz.

If everything is relative, baka magkamag-anak tayo?

Paano kung di ka naman thing? Hmmm

10:52 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home