PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Saturday, October 08, 2005

Paumanhin.

Mga mahal kong mambabasa,

Ikunalulungkot kong ipahayag na malamang sa Linggo pa ako makakapaglagay ng mga katangahan sa blog na ito. Gugustuhin ko mang pasabawin ang mga utak niyo, hindi ko magagawa. Ang trahedyang ito ay resulta ng pagkasira ng aking laptop. Hindi ko pa alam kung babalik pa ito sa dati, ngunit huwag mangamba; I shall return.
Humihingi ako ng tawad sa aking mga kakurso dahil hindi ko magawang ilagay ang inyong mga profile dito sa ngayon. Sana'y maintindihan niyo.



Upang makabawi, ilalagay ko ang mga payo ko para sa araw na ito:

  1. Huwag na huwag gagamit ng virus scanner na may pangalang AVG dahil hindi nito naipagtanggol ang aking mahal na computer.
  2. Laging magdala ng payong. [Hoy! Oktubre na! Hindi ka pa nagpapayong?!]
  3. Laging uminom ng vitamin C. Kung maaari ay doblehin pa ito. *uboubo*
  4. Huwag na huwag akong tatawaging Bonaks™ sa paaralan.
  5. Huwag magpaliban ng mga gawain. [ehem]
  6. Huwag sabihin ang linyang "I love you..." habang may kausap sa telepono kapag nasa harapan ka ng mga kaibigan mo.
  7. Huwag na huwag ipaalam sa publiko ang tunay na pangalan [o kahit na hula man lamang] ng may-akda ng Bonaks™. [Para sa inyong seguridad din yan.]



Pagod na pagod sa kakalaban ng mga virus,
Bonaks™



Kasalukuyang nararamdaman: Pagod Whew!!!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home