PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Thursday, October 06, 2005

Guro sa Taekwondo(substitute#2).

Pareho kaming:

  1. Malaki ang mata.
  2. Magaan.
  3. Nananakit ng mga lalake.

Ngunit mayroon ring mga pagkakaiba:

  1. Siya’y lalake.
  2. Magaslaw siyang gumalaw.
  3. Wala siyang salamin. [Di ko pa siya nakitang magsuot.]
  4. Malakas siyang manipa.
  5. Magaling siyang mag-Taekwondo[malamang.].
  6. Kinakalaban niya lamang ang mga higanteng estudyante niya.

Ang nagustuhan ko sa kanya ay:

  1. Hindi siya madaling maubusan ng pasensya.
  2. Malalim siyang mag-isip.
  3. Pala-ngiti siya.

Ang ayaw ko sa kanya ay:

  1. Nananakot siya.

Mga nakakatuwang impormasyon:

  • Kasama siya sa National Team ng Pilipinas sa Taekwondo.
  • Isang beses lang namin siya naging guro.
  • Nagtuturo siya ng Taekwondo sa mga preschooler.
  • Sa unang tingin, inakala kong lamang-lupa siya.
  • Maliit siya.



P. S. Okey ang gurong ito! Anim na bituin!




Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak Kulit mo! Sabi na ngang hindi ko alam e!.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home