PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Monday, August 29, 2005

Walang titolo 1.0.

Mga natutunan ko sa araw na ito:

  • Nakakahilo pa rin ang Binondo dahil sa sobrang usok, trapiko at init.
  • Masayang sumakay sa kiddie ride. Sayang nga lang dahil nahiya ako sa kasamahan ko kanina. (Sige na, sige na...hindi dapat ito kasali dahil matagal ko na itong alam.)
  • Ang pag-iinom pala ng Coke ay nakakapanghina dahil pinapatay nito ang B-complex mo. (Susubukan ko nang huminto.)
  • Marami talagang bargain sa Binondo lalo na kung marunong kang magsalita ng Chinese.
  • Marami rin palang muslim sa Binondo.
  • Maganda ang kantang Helena ng My Chemical Romance. (Gusto ko yung tono.)
  • Nag-aalala din pala ang mga kaibigan mo sayo lalo na kapag parang bangag ka na o malapit nang magpatiwakal.
  • Mayroon rin palang mga opisinang bukas ngayon kahit na Araw ng mga Bayani. (Nagdiriwang na siguro sina Agbayani at Fernando ngayon...)
  • Nakaka-adik palang maglagay ng mga smiley dito kahit na mahaba pa ang kailangan kong i-type para mailagay ang mga ito .


P. S. Kapag talagang malungkot pala ang isang tao/hindi tao ay puro kabobohan ang naisusulat at nagagawa.


Kasalukuyang nararamdaman: Pagsisisi, matinding lumbay at panghihina ng katawan .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home