Fargo.
Mga natutunan ko sa pelikulang Fargo:
- Huwag umalkila ng mamamatay-tao na mukhang mamamatay-tao. (Madali siyang masuspetsahan.)
- Huwag umalkila ng mandurukot (ng tao) na mahilig mag-mura (dahil wala itong matalinong naiisip, kahit kailan.) at kakaiba ang mukha (madali siyang maaalala ng saksi).
- Huwag dukutin ang sariling asawa. (Kung mandurukot ka na rin lang, galing naman sa ibang pamilya no...)
- Laging tandaan na ang pekeng plate number ay importante upang hindi ka hulihin ng pulis habang nasa gitna ka ng iyong krimen.
- Sa lahat ng klase ng krimen, asahan na hindi mawawala ang baril dahil tao lang ang kriminal na inarkila mo. Bihira lang ang mga krimen na hindi nangangailangan ng baril.
- Kung maaari, gumawa ng magandang relasyon sa pamilya ng iyong asawa.
- Huwag kumuha ng kriminal na perverted dahil magaling siyang magtira ng palatandaan para sa mga pulis.
- Kung ang kasamahan mo'y humihingi ng malaking salapi para kanyang serbisyo, mag-atublili ka na dahil aagawan ka nito ng nalikom niyong pera.
- Kung ang kasamahan mo naman ay sumasang-ayon na sa maliit na halaga, mag-atubili rin dahil maaaring mayroon siyang balak na masama sayo o hindi siya magaling sa ganitong klaseng trabaho.
- Kung makikipagkita sa mga kriminal, siguraduhing nakasuot ka ng tsalekong hindi tinatablan ng bala.
- Huwag kumuha ng kasamahan na mahilig pumatay. (Baka ikaw ang susunod.)
- Umalkila ng babaeng mamamatay-tao. (Walang magdududa sa kanyang pagka-inosente.)
- Huwag ilalagay sa woodchipper (Tama ba ang ispeling? Bahala na.) ang kasamahan dahil nakakahiya naman kung makita ng mga istambay sa paligid ang dugo at durog na buto't laman ng iyong kasamahan at mangangamoy pa ito. Mas mainam kung sunugin na lang ang bangkay o kaya nama'y ibaon na lang ito sa malalim na hukay.
Iyon lang po. Antabayanan ang susunod na kabanata. Salamat po.
P. S. Ang pagrangko ko dito sa pelikulang ito ay isa't kalahating bituin lamang dahil sa dami ng hindi kailangan na malalaswang eksena.
Kasalukuyang nararamdaman: Pagkabagot
.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home