PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Saturday, August 04, 2007

Expedition Grampirfla: Chronicle 2.0.

Name: [Does not compute.]
Code Name: Bonaks
Age: 793 years old

Special Abilities: fast-walking, sonar, half-listening, petty reasoning, fake-laughing, lousy Philosophizing and Psychologizing, drinking vast amounts of coke and rageohol, anime marathon[ing], sleeping while standing, drawing badly, wall/ceiling staring, etc.

Duties in the expedition: technical, philosophical and moral support.

Bonaks log: 1st August, year 2007
Coordinates: currently unknown
Time sent: 01:97:35.08




-=Begin Transmission=-



Hindi ako makapaniwala sa babaw ng kakayahan ko. Kamakailan lamang nakuha ko nanaman ang isa sa pinakamabababang puntos ko sa pagsusulit. Simbolo ito ng aking katangahan at kahinaan. Malungkot ako. Malugkot na malungkot ako. Gusto kong kumain ng tao tapos idura ito sa aspalto tulad ng ginagawa ng ibang mga matatanda [ang pagdura sa aspalto.]. Tanga ako sa maraming bagay. Isa na dito ay ang matematika na hindi ko alam kung kaninong pwet ito hinugot. [Paumanhin sa lahat ng may gusto sa matematika.]

Hanggang ngayon hindi pa ako nakakabalik sa dati kong buhay na walang kakwentahan. Hmmmmmm...mali ata itong sinulat ko...ang punto dapat ng Bonaks ay magpahiwatig ng kasiyahan at kagandahan na hindi nakikita kapag ako'y kaharap ng isang tao. Hindi dapat ako manatili sa kadilimang ito. Hmmmm...buti pa ang mga alien.

Ehem.

Tulad nga ng sabi nila, kapag masama ang loob mo, huwag mo na itong ikalat sa iba, tulad nalang kung mayroong sisig, huwag mong buhos ang sili dito dahil hindi ako mahilig sa maanghang at maaari ko pang itama sa pamumukha mo ang sizzling plate dahil matakaw ka. Hmmmmm...dahil nagumpisa na rin ako sa metapora...ay hindi pa pwede...hindi...masyado pang maaga para doon.

Hindi halata[lolz] pero ako ay isang mababaw na tao. Kasing babaw ko ang isang sanaw na karaniwang mahahanap sa uste tabi-tabi. [Dahil sa uste, ang mahahanap mo ay baha at hindi sanaw.] Hindi ako nakakaintindi ng tula, kaya maihahalintulad na rin ako sa lalake sa ganoong aspeto. At...sandali...bakit nagsusulat ako tungkol sa sarili ko? maliiiiiiiiiiiiiii....

Sige, sasabihin ko na kung bakit malungkot ako ngayon. Mauubos na kasi yung Hello Panda ko. Alam niyo ba yun? Yung biskwit na may tsokolate sa loob tapos hugis panda? Yun. Isa yun sa mga paborito ko. Kaso napansin ko kamakailan lamang na unti-unti itong kinain ng mga @#$%^&* langgam. E hindi ako makakuha ng bago. Nakakaasar. Mayroon pa namang naiwan kaso...hmmmm...nakakaasar. Kaya dahil dito hindi ako makatutok sa mga gusto kong gawin. Kahit photoshop hindi ko magawa ng maayos. Asar. Hrrrrmmmmmmmmmmmmm.

Hanggang dito muna. Dapat ko pang patuonan ng pansin ang mga numero na nasa papel ko ngayon. Nahihilo na ako. Tapos andito pa rin yung sakit ko na isang buwan nang nananatili sa aking katawan. Katapusan ko na ito...>_<
-=End of Transmission=-



P.S. We apologize for the delay in posting. According to our sources, this post was written just before the ship was being sucked into a black hole, which also resulted to more casualties from the ship's crew. The black hole is creating chaos within the the galactic WiFi bandwidth and this post is only composed of some parts of the original text that we were able to retrieve, so we may not be able to interpret it, aside from the fact that this message is already heavily layered. Apparently, because of the lack of crew members, they could not escape and their location and condition is currently unknown. The loss of the other crew members also caused a decrease in the morale of the remaining people in the ship. The expedition might not be able to return safely especially with the arrival of this news. Let us pray for their safe return.

1 Comments:

Blogger Billycoy said...

akala mo lang mga langgam ang umubos sa hello panda mo, ang totoo niyan ginamitan ko ng astral projection para nakawin ang laman ng hello panda mo. paborito ko rin kaya yan.

9:48 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home