Bopols?!?!?!?!?!
Maligayang bati. Dapat kahapon ako magpopost kaso nahilo si Neo sa biyahe. Ahem. Anywho, saktong dalawang linggo ang ginastos ko. Bakit hindi ko ginawang tatlo? Siguro kasi nakakastress din ang bakasyon ko. Ngayon, ikukuwento ko ba? Bopols, siyempre hindi. Maeexcede ko na yung 8% limit ko kung ganun. [*ubo ubo*] Paumanhin. [ngayon ko lang nagamit ang salitang bopols ha. jologs. pweh.] Dahil dapat daw positive ang outlook ko and crud, iuumpisa ko sa positibing post. [boring? may oras pa! layas ka na!]
Sa isang tindahan ng mga laruan...
Anak: [sumisigaw] Mama! Gusto ko yung transformer! Mama! Sige na!
Nanay: Hindi nga pwede e.
Anak: MAMA!!!!
Nanay: Ano ka ba? Huwag kang maingay. Ikukulong ka nila dito, sige ka.
Anak: [tumigil sa kakaiyak at tumakbo palayo sa nanay.] Talaga? Yeheyyyyyy!!!!!!!!
P. S. Hay. Mga magulang talaga. Mananakot na nga mali pa.

2 Comments:
Oo nga ang saya namang magpakulong sa lugar na iyun, hehehe. Magngangawa nga rin ako kapag ako yung bata.
Haha smart kid. Ano yung bopols?!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home