PARENTAL
ADVISORY
BONAKS CONTAINS
EXPLICIT LYRICS

Friday, August 05, 2005

Stalker-terminator extraordinaire...-_-'

Mga payo para sa araw na ito:
Kung mayroon kang kaibigan na may istoker, siguraduhin ang sumusunod:
  • Huwag ipahalata sa istoker na may alam ka tungkol sa kanyang pagtingin para sa iyong kaibigan.
  • Huwag ituro ito gamit ang iyong hintuturo (lalo na kapag ika'y nasa malayo) kapag siya'y ituturo mo sa ibang kaibigan mo.
  • Huwag ngumiti o tumawa kapag siya'y iyong itinuturo.
  • Huwag ipaalam sa iyong kaibigan na mayroon siyang istoker para tumuloy ang romansa.

Kung mayroon kang kakaibang kapangyarihan na nakakasira ng namumulaklak na pag-iibigan, kahit na hindi mo ito sinasadya:

  • Lumayo ka na lamang upang hindi makasakit.
  • Huwag mo silang subukang ipaglapit kahit na anong mangyari. May sarili silang diskarte.
  • Huwag magbahagi ng mga nalalaman mo tungkol sa kanilang iniirog. Hayaan mo silang maghirap.
  • Huwag ibahagi ang iyong palagay ukol sa katangahan ng romansa.
  • Itiko ang iyong bibig.

Ito na ang iskor namin:

Ako: 2

Pag-ibig: 0 (o love sa tennis.)

Para sa mga kaibigan kong tinanggalan ko ng istoker: may utang kayong lahat sa akin! Ayaw ko na ring magmukhang tanga sa kakahanap sa mga istoker niyo upang humingi nga tawad at paki-usapan sila na balikan kayo.

Para sa pinaka bago kong paaksidenteng naging kliyente: hinahanap ko pa rin siya ngunit bigla siyang naglaho ng parang bula.

Para sa kailangan kong hingian ng tawad, pwedeng singkwenta na lang? *TNM (kung hindi alam ang ibig-sabihin, pakikonsulta ang mga naunang teksto. Salamat po.)*



P. S. Oo nga pala, para sa impormasyon ng nakararaming walang-malay, sumalangit na ang kaluluwa ni Raul Roco kaninang umaga. Naway gabayan siya ng Panginoon sa kanyang huling hantungan. Isa siyang napakabait na tao. Sana'y walang kumalimot sa kanya.



Kasalukuyang nararamdaman: Hindi tiyak .

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home